U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

SSL

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

Pinapahintulutan ng Mga Telecommunications Relay Service ang mga taong may kapansanan sa pandinig o pagsasalita na gamitin ang telephone system sa pamamagitan ng isang text telephone (TTY) o iba pang device para tumawag sa mga taong mayroon o walang naturang kapansanan.

Upang pasimplehin hangga't maaari ang TRS, maaari mong i-dial lang ang 711 upang awtomatikong maikonekta sa isang TRS operator. Ito ay mabilis, mabisa, at libre. Kapag na-dial ang 711, ang mga voice at TRS user ay maaaring tumawag gamit ang anumang telepono, saanman sa United States, nang hindi kakailangang tandaan at i-dial ang isang access number na may pito o sampung digit.

I-dial ang 711 gamit ang mga pribadong branch exchange at VoIP

Inaatasan ng mga panuntunan ng FCC ang lahat ng kumpanya ng telepono na nagpapatakbo ng mga pribadong branch exchange - isang pribadong telephone system sa loob ng isang organisasyon - na magpatupad ng tatlong digit na pag-dial sa 711 para sa access sa TRS. Kabilang dito ang mga wireline, wireless, at payphone provider. Inaatasan ang mga PBX operator na baguhin ang kanilang kagamitan upang mabigyang-daan ang pag-dial sa 711 upang tiyaking madaling maa-access ng lahat ang TRS.

Maaaring kinakailangan ng mga tumatawag mula sa mga lokasyong binibigyang-serbisyo ng mga PBX na i-dial ang 9 o iba pang prefix bago ilagay ang 711 code o tumawag sa labas ng lokasyon.

Ang mga provider ng magkakaugnay na serbisyo ng Voice over Internet Protocol (VoIP) ay dapat ding mag-alok ng serbisyo ng pag-dial sa 711.

Mga tawag sa 911

Iniaatas ng Americans with Disabilities Act na magkaroon ang mga taong may kapansanang gumagamit ng mga TTY o iba pang device ng direkta at pantay na access sa mga serbisyo ng pagtugon sa emergency. Kung sakaling magkaroon ng emergency, dapat tumawag ang mga TTY user sa 911 nang direkta at hindi gumawa ng TRS na tawag sa pamamagitan ng 711.

Mga serbisyo ng relay na nakabase sa video at Internet

Hindi gumagana ang access sa pag-dial sa 711 para sa mga tawag sa Video Relay Service, Internet Protocol Relay, o IP Captioned Telephone Service Relay, dahil ang mga naturang tawag ay nagsisimula sa pamamagitan ng Internet. Maaaring magsimula ng VRS or IP Relay na tawag ang mga taong nakakarinig sa pamamagitan ng pagtawag sa 800 number ng isang provider. Dapat tawagan ng mga IPCTS user ang kanilang party nang direkta, at may communications assistant na awtomatikong ikokonekta sa tawag.

Higit pang impormasyon sa TRS

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa iba't ibang uri ng TRS, tingnan ang Gabay sa consumer ng FCC o bisitahin ang website ng aming Tanggapan ng Mga Karapatan ng May Kapansanan (Disability Rights Office) (Sa wikang English).

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.