Ang lahat ng full-power na istasyon ng telebisyon ay nagbo-broadcast lang bilang digital TV, o DTV, matapos ang paglipat sa digital na pag-broadcast mula sa analog noong 2010. Kung nahihirapan kang makasagap ng mga istasyong digital na nagbo-broadcast, may nakasaad sa gabay na ito sa pag-troubleshoot na checklist ng mga koneksyon at mga tip para sa pagsagap ng mga digital na signal.
Gumamit ng Antenna na Mahusay na Nakakasagap ng Lahat ng Channel
- Kailangan mo ng antenna na may magandang resepsyon ng mga VHF na signal (channel 2-13) at UHF na signal (channel 14 pataas) upang masagap nang maayos ang lahat ng pag-broadcast na gumagamit ng mga digital na signal sa iyong lugar.
- Maraming antenna ang idinisenyo para lang sumagap ng alinman sa VHF o UHF na signal (ngunit hindi ng pareho). Halimbawa, ang karaniwang ginagamit na “rabbit ears” na panloob na antenna ay naaangkop lang para makasagap ng mga VHF na signal. Upang makasagap ng mga UHF na signal, dapat ay mayroon din ang panloob na antenna ng kasamang wire loop o iba pang feature sa pagsagap sa band na iyon.
- Magkakaiba ang mga kakayahan sa resepsyon ng mga antenna ng TV. Maaari ding makaapekto sa resepsyon ang mga bagay na gaya ng mga kalapit na gusali, puno, topograpiya ng lupa, o konstruksyon. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga antenna, tingnan ang aming gabay: Mga Antenna at Digital na Telebisyon.
Suriin ang Iyong Mga Koneksyon
- Tiyaking maayos na nakakonekta ang iyong antenna sa input ng antenna ng iyong digital-to-analog na converter box o digital na telebisyon. Kung gumagamit ng digital-to-analog na converter box, tiyakin ding nakakonekta ang output ng antenna ng iyong converter box sa input ng antenna ng analog TV mo. Sumangguni sa mga manual para sa may-ari ng iyong mga piyesa kung hindi ka sigurado sa mga wastong koneksyon.
- Tiyaking nakasaksak ang lahat ng piyesa at naka-on ang mga ito.
- Kung mayroon kang digital-to-analog na converter box, ilipat ang iyong analog TV sa channel 3. Dapat kang makakita ng menu ng pag-set up o palabas sa screen ng iyong TV. Kung wala kang makikitang menu ng pag-set up o palabas, ilipat ang iyong TV sa channel 4. Kung wala ka pa ring makikitang menu ng pag-set up o palabas, muling suriin ang iyong mga koneksyon.
Mag-scan ng Channel
- Mayroong button ang mga digital-to-analog na converter box at digital na telebisyon, karaniwan itong nasa remote control na may label na “set-up” o “menu” o iba pang katulad na termino. Pindutin ang button na iyon upang i-access ang menu ng pag-set up.
- Gamit ang mga button ng arrow ng direksyon sa iyong remote, mag-scroll patungo sa opsyon para sa “channel scan.” Awtomatikong maghahanap sa pag-scan ng channel ng mga available na digital na bino-broadcast na channel sa iyong lugar. Sumangguni sa manual para sa may-ari ng iyong digital-to-analog na converter box o digital na telebisyon para sa mga detalyadong tagubilin sa kung paano mag-scan ng channel para sa iyong device.
- Kapag tapos na ang pag-scan ng channel, makakapanood ka na sa mga digital na channel na nasasagap ng iyong antenna. Dapat kang pana-panahong mag-scan ng channel upang malaman kung nagkaroon ng mga karagdagang digital na channel.
- Para sa higit pang impormasyon, kabilang ang isang video na nagbibigay ng tagubilin, tingnan ang aming gabay para sa consumer: Huwag Kalimutang Mag-scan Muli.
Isaayos ang Iyong Antenna
- Ang maliliit na pagsasaayos sa iyong antenna ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa bilang ng mga digital na channel na nasasagap mo. Para sa panloob na antenna, subukan itong ilagay sa mas mataas na lugar at ilapit ito sa panlabas na pader ng iyong tahanan.
- Habang isinasaayos ang iyong antenna, i-access ang “signal strength meter” sa iyong digital-to-analog na converter box o digital na telebisyon upang malaman kung napapahusay ng iyong mga pagsasaayos ang lakas ng signal. Karaniwang naa-access ang signal strength meter sa pamamagitan ng feature na menu sa iyong remote control. Sumangguni sa manual para sa may-ari ng iyong device kung nagkakaproblema ka sa pag-access dito.
- Pagkatapos isaayos ang iyong antenna, muling mag-scan ng channel upang makita kung humusay ang resepsyon mo.
Nagkakaproblema Ka Pa Rin Ba?
- Karaniwang naghahatid ang digital na pag-broadcast ng malinaw na palabas; gayunpaman, kung hindi aabot ang signal sa partikular na minimum na lakas, maaaring mawala ang pinapanood. Maaaring kailanganin mong isaayos o i-upgrade ang iyong sistema ng antenna upang masagap ang mga istasyon kung saan walang makitang palabas.
- Naghahatid ang mga simpleng panloob na antenna ng minimal na performance na maaaring hindi naaangkop sa iyong lokasyon. Kung hindi ka makakuha ng kasiya-siyang resepsyon ng DTV gamit ang iyong kasalukuyang panloob na antenna, dapat kang kumuha ng panloob na antenna na may mga feature para sa mas mahusay na pagsagap ng mga VHF at UHF na signal, at/o amplifier – kadalasang tinatawag na aktibong panloob na antenna – upang pahusayin ang nasasagap na signal.;
- Karaniwang nakakakuha ng mas mahusay na resepsyon ang panlabas na antenna kaysa sa panloob na antenna. Gayunpaman, maaaring humina ang performance ng mga panlabas na antenna katagalan dahil sa pagkakalantad sa lagay ng panahon. Kung nagkakaproblema ka, tingnan kung may maluwag o malapit nang masirang kable o mga sirang bahagi ng antenna. Tingnan din ang direksyon kung saan nakatutok ang antenna.
- Sikaping paikliin ang haba ng wire mula sa iyong antenna patungo sa digital-to-analog na converter box o digital na telebisyon hangga't maaari para sa pinakamahusay na pagsagap.
- Ang mga “splitter” na ginagamit upang magkonekta ng isang antenna sa maraming digital-to-analog na converter box o digital na telebisyon ay nakakahina sa lakas ng signal para sa bawat device. Humuhusay ba ang pagsagap kapag walang splitter? Kung minsan, maaaring malutas ng “aktibong” splitter na may amplifier ang problema.
- Kung malapit ka sa tower sa pag-broadcast ng istasyon, ang resepsyon ng istasyong iyon – at ng iba pang istasyon – ay maaaring mahadlangan ng “overload” sa signal. Pag-isipang gumamit ng “attenuator” o mag-alis ng mga amplifier upang mapahusay ang iyong resepsyon.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa paglipat sa DTV, pumunta sa www.fcc.gov/consumers/guides/dtv-transition-consumer-guide-archive (sa Ingles).
Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format
Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."
Help Center ng Consumer
Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)
Maghain ng Reklamo sa FCC
Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.