Nauugnay na Nilalaman
Kung minsan, tinatawag na "mga junk fax" ang mga hindi hiniling na advertisement na ipinapadala sa iyong fax machine. Kadalasan, ipinagbabawal ng mga panuntunan ng FCC sa ilalim ng Telephone Consumer Protection Act at Junk Fax Prevention Act ang pagpapadala ng mga junk fax.
Kailan pinapayagan ang mga kumpanya na magpadala ng mga advertisement sa aking fax machine?
Maaaring magpadala sa iyo ng fax advertisement ang mga negosyo kung binigyan mo sila ng pahintulot.
Sa lahat ng iba pang pagkakataon, dapat ay parehong mayroong nabuong ugnayan sa negosyo sa pagitan mo at ng tagapadala ng fax (batay sa isang pagtatanong, aplikasyon, pagbili o transaksyon) at kinuha dapat ng tagapadala ang iyong fax number sa isa sa mga sumusunod na paraan:
- Direkta mula sa iyo sa konteksto ng nabuong ugnayan sa negosyo – halimbawa, bilang bahagi ng isang aplikasyon, form ng impormasyon sa pakikipag-ugnayan o form ng pag-renew ng membership.
- Mula sa isang direktoryo, advertisement o web site kung saan boluntaryo kang sumang-ayon na ipamahagi ang numero sa publiko, at nagsagawa ng mga makatwirang hakbang ang tagapadala upang i-verify na pumayag kang ilista ang numero.
- Mula sa sarili mong direktoryo, advertisement o Web site, maliban kung ipinahayag mo sa mga nasabing materyal na hindi ka
tumatanggap ng mga hindi hiniling na fax advertisement.
Dapat ay may kasamang abiso ang mga fax advertisement na ipinadala bilang bahagi ng nabuong ugnayan sa negosyo na nagpapaalam sa iyo ng tungkol sa karapatan mong umiwas sa mga fax sa hinaharap at mga tagubilin para sa pagsasagawa ng kahilingan sa pag-opt out.
Ang isang tagapadala ng fax ay hindi maaaring magpadala ng fax ad batay sa pagkuha ng iyong fax number sa mga paraang inilalarawan sa itaas nang hindi rin nakakabuo ng ugnayan sa iyo sa negosyo.
Pag-opt out: Paano ko pipigilan ang mga kumpanya sa pagpapadala sa akin ng mga fax?
Kung kasama sa fax na natanggap mo ang isang abiso tungkol sa pag-opt out sa mga fax sa hinaharap, sundin ang mga tagubiling iyon. Kasama dapat sa impormasyon sa pag-opt out ang libreng paraan upang isumite sa tagapadala ang kahilingan sa pag-opt out, gaya ng toll-free na numero, lokal na numero ng telepono, web site address, o email address. Available dapat ang mga opsyong ito sa pakikipag-ugnayan para sa pag-opt out 24 na oras bawat araw, pitong araw bawat linggo.
Kapag nagpadala ka ng kahilingan sa pag-opt out, siguraduhing tukuyin ang numero ng telepono ng iyong fax machine.
Dapat tuparin ng mga tagapadala ang mga kahilingan sa pag-opt out sa loob ng pinakamaikling oras, hindi lalampas nang 30 araw.
Kung ibabatay lang sa paglalagay ng abiso sa pag-opt out sa fax ad, hindi magiging naaayon sa batas ang fax kung hindi rin natutugunan ng tagapadala ang mga kinakailangang inilarawan sa itaas.
Mga karagdagang mapagkukunan
Maaari kang maghain ng mga reklamo sa mga awtoridad ng iyong estado, kasama na ang opisina para sa proteksyon sa consumer sa iyong lokal o estado o opisina ng Attorney General sa iyong estado. Ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa mga organisasyong ito ay dapat makita sa mga blue page o seksyon ng pamahalaan ng iyong lokal na direktoryo ng telepono.
Maaari ka ring maghain ng pribadong kaso laban sa lumabag sa isang naaangkop na hukuman sa iyong estado. Sa pamamagitan ng pribadong kaso, maaari mong mabawi ang aktwal na naluging pera na resulta ng paglabag sa Telephone Consumer Protection Act, o makatanggap ng hanggang $500 sa bayad-pinsala para sa bawat paglabag, alinman ang mas malaki. Maaaring triplehin ng hukuman ang mga bayad-pinsala para sa bawat paglabag kung mapag-alaman nitong boluntaryo o sinadyang gawin ng akusado ang paglabag. Ang paghahain ng reklamo sa FCC ay hindi pumipigil sa iyong maghain din ng kaso sa hukuman ng estado.
Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format
Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."
Help Center ng Consumer
Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)
Maghain ng Reklamo sa FCC
Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.