Pagkatapos ng Pagsusubasta ng Insentibo

Post-Incentive Auctions FAQ banner image

Kamakailan ay nagdaos ang Federal Communications Commission ng spectrum auction upang makatulong sa pagpapahusay at pagpapalawak ng mga wireless na serbisyo sa buong bansa na tutugon sa patuloy na pagtaas ng mga pangangailangan ng mga consumer sa America para sa mas mabilis at may mas mataas na kapasidad ng mga serbisyo ng mobile broadband. Sa subastahan, maaaring kusang-loob na ipasubasta ng mga broadcaster sa TV ang kanilang kasalukuyang channel sa pag-broadcast kapalit ng kabahagi sa kikitain mula sa pagpapasubasta ng kanilang channel sa mga provider ng pangkomersyong wireless na serbisyo upang maghatid ng mga pinalawak na serbisyo ng mobile broadband.

Ano ang ibig sabihin nito para sa iyo? Ngayong tapos na ang subastahan, ang ilang istasyon ng telebisyon sa pag-broadcast ay magpapalit ng kanilang mga channel, o makikihati ng channel sa ibang istasyon, o, sa ilang sitwasyon, ay hihinto sa pag-ere. Mahalagang malaman na maliban kung ganap na hindi na eere ang isang istasyon sa iyong lugar, maaapektuhan ka lang nito kung nakakasagap ka ng over the air na serbisyo ng TV gamit ang isang antenna; kung naka-subscribe ka sa isang cable TV o provider ng satellite, gagawin nila ang anumang kinakailangang pagbabago para sa iyo.

Kung mayroon kang over-the-air na TV, may ilang hakbang kang kinakailangang gawin sa naaangkop na panahon. Nakikipagtulungan ang FCC sa mga broadcaster upang magplano ng isang paglilipat pagkatapos ng subastahan na magbabawas sa problema at kalituhan ng mga manonood. Makikita mo sa ibaba ang mga sagot sa mga karaniwang itinatanong at mga link sa mga kapaki-pakinabang na pinagkukunan ng Commission.

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa pagsusubasta ng insentibo ng broadcast TV, bisitahin ang aming webpage sa www.fcc.gov/incentiveauctions. (Nasa wikang Ingles ang web page)

Kailan ko malalaman kung o kapag lilipat ng mga channel o hihinto sa pag-broadcast ang mga istasyon sa aking lugar?

Nag-anunsyo ng mga resulta ng subastahan ang FCC noong Abril 13. 2017. Makikita ang listahan ng mga nanalo sa subastahan, ano ang itinuring nila, at magkano ang napanalunan nila gayundin ang listahan ng mga bagong pagtatalaga ng channel ng TV para sa lahat ng istasyon ng TV sa Abiso sa Publiko ng Pagsasara at Muling Pagtatalaga ng Channel. (Nasa wikang Ingles ang dokumento)

Pakitandaan na may mga pagkakataon ang mga natitirang channel na umeere na humiling ng mga alternatibong channel o palawakin ang sakop nilang lugar, kung kaya maaaring magbago ang mga impormasyong nakasaad sa abiso sa publiko.

May kakailanganin ba akong gawin upang patuloy na makapanood ng over the air na TV?

Sa pangkalahatan, wala. Hindi mo kakailanganing bumili ng bagong TV o bumili ng converter box tulad ng maaaring ginawa mo sa paglipat sa digital na telebisyon noong 2009. Kapag lumipat sa isang bagong channel ang isa o higit pa sa iyong mga lokal na istasyon ng TV, kailangan mo lang mag-scan muli sa iyong television set. Magbibigay sila ng paunang abiso bago ang naturang pagbabago, ngunit kung may mapansin ka sa anumang oras na nawawalang channel, maaaring lumipat ito sa isang bagong numero ng channel kaya gustuhin mong mag-scan muli para sa mga available na istasyon ng TV kung sakaling hindi mo nabasa ang abiso. Para sa higit pang impormasyon kung paano mag-scan muli ng mga channel, basahin ang aming gabay sa www.fcc.gov/consumers/guides/huwag-kalimutang-mag-scan-muli.

Kakailanganin ko bang bumili ng bagong antenna?

Sa mga napakabihirang kaso, maaaring lumipat ang isang lokal na istasyon mula sa isang UHF channel papunta sa isang VHF channel, na maaaring makaapekto sa ilang manonood na mayroon lang antenna ng TV na UHF. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga over-the-air na antenna ng TV, basahin ang aming gabay sa: www.fcc.gov/consumers/guides/mga-antenna-digital-na-telebisyon.

Mapapanood pa rin ba ang aking mga lokal na istasyon ng TV sa cable at satellite?

Pananatilihin pa rin ng mga istasyon ng broadcast TV ang kanilang mga kasunduan sa mga system ng cable at satellite TV na maghatid ng mga pag-broadcast ng mga istasyon pagkatapos ng proseso ng subastahan.

Maaaring ilipat ng ilang istasyon ng broadcast TV ang kanilang mga pasilidad sa transmisyon bilang bahagi ng prosesong ito, na maaaring makaapekto kung sa aling market ng TV sila dadalhin bilang mga "lokal" na istasyon. Kung lilipat sila sa kalapit na market ng TV, maaari nitong maapektuhan kung aling system ng cable at satellite ang magdadala sa kanilang istasyon. Pakitiyak sa iyong provider ng cable TV o satellite TV kung sa anumang oras ay hindi mo makita sa mga system nila ang isa sa iyong mga lokal na istasyon ng TV.

Kailan lilipat ang mga channel?

Simula sa Abril 13, 2017, magkakaroon ng 39 na buwang panahon ng paglilipat kung saan ang mga istasyon ng broadcast TV na itinalaga sa bagong channel ay sasailaim sa teknikal na proseso upang magsimulang makapag-broadcast sa kanilang mga bagong frequency. Ang mga channel na piniling bitiwan ang kanilang mga karapatan sa spectrum at huminto na sa pag-eere ay magkakaroon ng 90 araw mula sa petsang natanggap nila ang kanilang napanalunan sa subastahan na huminto sa pagpapatakbo ng channel na pag-aari nila bago ang subastahan. Ang mga istasyon ng TV na piniling ilipat na lang ang kanilang mga channel ay maglilipat sa loob ng 39 na buwan at aabisuhan ang kanilang mga manonood kapag maaari nang mag-scan muli ng kanilang TV upang mahanap ang mga bagong channel.

Aabisuhan ba ako kung magpapalit o mawawala ang isang istasyon?

Oo. Dapat abisuhan ng mga istasyong lilipat, magpapalit ng signal o hihinto sa pag-broadcast ang mga consumer sa pamamagitan ng araw-araw na pag-eere ng anunsyo sa loob ng humigit-kumulang 30 araw bago ang anumang pagbabago. Sa panahong iyon, patuloy na magpapalabas ang mga istasyon sa kanilang mga kasalukuyang channel.

Magpapalit ba ang aking mga lokal na istasyon kahit na hindi sila nakibahagi?

Posible itong mangyari. Bilang resulta ng subastahan, kakaunti na lang ang mga channel sa band ng TV, nangangahulugan ito na kakailanganing lumipat sa mga bagong channel ng mga istasyong nagpapatakbo sa mga channel na naitalaga sa ibang layunin sa wireless na paggamit. Maaaring kailanganing lumipat ng ibang mga istasyon sa ibang mga channel dahil sa mga pagpasok ng ibang signal na sanhi ng mga pagbabago sa market ng iyong TV o sa kalapit na market. Gayunpaman, dapat abisuhan araw-araw ng anumang istasyon na magpapalit ng signal ang kanilang mga manonood sa loob ng humigit-kumulang 30 araw bago isagawa ang pagbabago.

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.