U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

SSL

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

Madalas magreklamo ang mga consumer sa FCC tungkol sa mga programa sa radyo na call-in, kadalasan tungkol sa paksang tinatalakay o sa mga napag-alamang pagkiling ng komentaryo. Inirereklamo rin ng maraming consumer na ang katangian ng bino-broadcast na materyal, tulad ng mga stunt sa radyo o programang "shock jock," ay malaswa, mahalay, bastos o kung hindi man ay nakakapanakit.

Mga responsibilidad ng mga broadcaster sa pagpapalabas ng programa

Responsibilidad ng mga broadcaster kung ano ang ihahain sa publiko ng kanilang mga istasyon, at inaasahang ang kanilang mga programa ay magbibigay ng kaalaman sa mga audience tungkol sa mga lokal na isyu. Gayunpaman, hindi inaatasan ang mga programang "call-in" na talakayin ang mga isyu sa komunidad, at hindi inoobliga ang mga broadcaster na bigyan ang sinuman ng oportunidad na makilahok sa isang broadcast (may ilang partikular na pagbubukod pagdating sa mga kandidato para sa posisyon sa pamahalaan.)

Inaasahang alam ng mga broadcaster ang tungkol sa mahahalagang lokal na isyu sa mga komunidad na pinaglilingkuran ng kanilang mga istasyon, at mag-aalok ng mga programang magbibigay ng kaalaman sa kanilang mga audience tungkol sa mga isyung ito. Responsibilidad ng mga broadcaster ang pagpili ng mga isyu at ang mga uri ng mga inaalok na programa. Hindi kinakailangang gamitin ang mga programang "call-in" upang talakayin ang mga isyu sa komunidad.

Hindi inoobliga ang mga broadcaster na bigyan ng oportunidad ang sinumang partikular na indibidwal na lumahok sa isang broadcast maliban kung sangkot sa broadcast ang isang kandidato para sa posisyon sa pamahalaan. Sa pangkalahatan, maraming mapagpipilian ang mga broadcaster sa kanilang mga programa.

Mga panuntunang sumasaklaw sa mga malaswa, mahalay at bastos na programa

Kinokontrol ng FCC ang pag-broadcast ng mga malaswa, mahalay at bastos na programa.  (Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang aming gabay sa mga malaswa, mahalay at bastos na pag-broadcast.) Dahil hindi pinoprotektahan ng First Amendment ang kalaswaan, ipinagbabawal ito sa cable, satellite at broadcast na TV at radyo.  Gayunpaman, ang mga panuntunan sa kahalayan at kabastusan ay hindi nalalapat sa cable, satellite na TV at satellite na radyo dahil mga serbisyong subscription ang mga ito.

Paano kung mayroon akong mga komento o alalahanin tungkol sa isang partikular na broadcast?

Ang lahat ng komento at/o alalahanin tungkol sa isang partikular na broadcast ay dapat ipadala sa mga sangkot na istasyon at network.

Maaari ka ring maghain ng reklamo sa FCC (sa Ingles). Maaaring bawiin ng FCC ang lisensya ng isang istasyon, magpataw ng multang pera o maglabas ng babala para sa pag-broadcast ng malaswa, mahalay o bastos na materyal.  Gayunpaman, hindi maaaring paghigpitan ng FCC kung aling mga partikular na programa ang ipipresenta ng mga broadcaster, o sabihin sa kanila kung paano magsagawa ng mga palabas na call-in at iba pang programa.

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.