Pana-panahong nakakatanggap ang FCC ng mga reklamo mula sa mga consumer hinggil sa broadcast na pag-advertise. Iba't ibang isyu ang nilalaman ng mga reklamong ito, kabilang ang:
- Ang katangian ng mga produktong ina-advertise
- Ang pagsasaoras ng ilang partikular na ad
- Pinaniniwalaang malaswa o hindi naaangkop ang mga komersyal
- Mga huwad at mapanlinlang na advertisement
May mga batas bang naglilimita sa materyal na maaaring i-broadcast ng mga istasyon?
Pinaghihigpitan ang mga istasyon sa pag-broadcast ng materyal na humihikayat ng pagtangkilik sa mga loterya; nag-a-advertise ng mga produktong sigarilyo, maliliit na sigarilyo (little cigar) o smokeless na tabako; o nagpapatibay sa isang pandaraya. May ilOKang advertisement din na maaaring lumalabag sa mga regulasyong nasasaklawan sa ilalim ng hurisdiksyon ng iba pang pederal na ahensya, gaya ng Food and Drug Administration o Federal Trade Commission.
Bukod pa rito, pinagbabawalan o nililimitahan ng mga pederal na batas ang malaswa, hindi naaangkop, o magaspang na pananalita. Pinagbabawalan sa lahat ng pagkakataon ang malalaswang broadcast, at pinagbabawalan naman sa ilang partikular na oras ang mga hindi naaangkop o walang pakundangang pananalita. Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang aming gabay sa Mga Malaswa, Eskandaloso at Bastos na Broadcast.
Paano kung sa tingin ko ay huwad o mapanlinlang ang isang partikular na ad?
Ang mga broadcaster ang responsable sa pagpili ng materyal sa pag-broadcast na ineere sa kanilang mga istasyon, kabilang ang mga advertisement. Inaasahan ng FCC na magiging responsable ang mga broadcaster sa komunidad na sineserbisyuhan nila at kikilos sila nang may angkop na pag-iingat upang tiyaking hindi huwad o mapanlinlang ang mga advertisement na ineere sa kanilang mga istasyon.
May pangunahing responsibilidad ang FTC na tukuyin kung huwad o mapanlinlang ang partikular na pag-advertise, at magsagawa ng pagkilos laban sa tagapagtaguyod ng naturang materyal. Maaari kang maghain ng reklamo sa FTC nang online (sa Ingles).
Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format
Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."
Help Center ng Consumer
Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)
Maghain ng Reklamo sa FCC
Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.