U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

SSL

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

Ang mga computer, laptop, tablet, at iba pang nakakonektang device ay palaging nanganganib na makompromiso ng mga hacker na gumagamit ng spyware, malware, at iba pang program upang ma-access ang mga file, masubaybayan ang paggamit ng web at mga pinansyal na transaksyon, at manakaw ang mga password at iba pang impormasyong personal na nakakapagpakilala. Idinisenyo pa nga ang ilang malware upang lumaganap sa iba pang device na nakakonekta sa iisang network.

Mahigpit na inirerekomendang mag-install ng mga anti-virus at firewall program – at maging mapagmatyag sa mga kasanayan sa personal na seguridad sa web – upang maiwasan ang mga pagtatangkang mang-hack.

Tiyaking updated ang iyong security software

Tiyaking napapanatili ay regular na naa-update ang iyong firewall software para sa pinakamainam na epekto nito. Maaaring na-install ang mga trial na bersyon ng anti-virus at firewall protection software sa computer mo pagkabili nito, ngunit kadalasang nag-e-expire ang trial 30 hanggang 60 araw pagkatapos paganahin ng user ang isang computer sa unang pagkakataon. Kung mag-e-expire ang protection software, mas malaki ang tsansang atakihin ang iyong computer. Panatilihing napapanahon ang security software upang mapaigting ang proteksyon laban sa mga nakakahamak na pag-atake.

Kung wala ka pang security software, makipag-ugnayan sa iyong internet service provider upang makita kung nag-aalok ito ng nasabing proteksyon.

I-set up ang software upang awtomatikong mag-update at magsagawa ng mga security scan

Nakakapagpadala ang ilang uri ng spyware ng mga keystroke na inilagay ng user sa mga hacker na gumagamit nito upang kumuha ng mga password at mang-hack sa mga online account. Idinisenyo ang anti-virus software upang tukuyin ang mga ganitong uri ng program at alisin ang mga ito. Mag-iskedyul ng mga routine security scan at pag-update ng software upang awtomatikong gumana.

Gumamit ng mga password na hindi madaling hulaan at palitan ang mga ito nang madalas

Kailan ang huling pagkakataong pinalitan mo ang iyong mga password sa mga online account mo? Gaano kadisiplinado ang mga bata sa pagpapalit ng kanilang mga password? Dapat kang gumamit ng malilikhain at mahahabang password na mahirap mahulaan para sa mga hacker. Pinakamainam ang mga password na may halu-halong titik, numero, at espesyal na character. Huwag gumamit ng mga password na may o tumutukoy sa impormasyong personal na nagpapakilala. Kapag madalas kang magpalit ng password, mababawasan ang panganib na ma-hack.

Ingatan ang iyong wireless na kapaligiran

Halos lahat ng computer at nakakonektang device ngayon ay magagamit para sa wireless na komunikasyon at komunikasyon gamit ang Wi-Fi, na maaaring maging sanhi ng mga kahinaan sa seguridad habang dumadaloy ang impormasyon gamit ang mga open frequency sa mga wireless na koneksyon papunta sa Internet. Pinaglalabu-labo ng mga encryption algorithm ang data at nagiging mahirap para sa mga hacker na intindihin ang impormasyong maaari nilang masagap. Mag-ingat nang husto kapag gumagamit ng pampublikong Wi-Fi at i-encrypt ang mga wireless na koneksyon hangga’t maaari. Para sa higit pang impormasyon, basahin ang aming gabay sa consumer.

Kung papanatilihin mong napapanahon ang iyong anti-virus at anti-spyware software, gagamit ka ng mga password na mahirap hulaan, at ise-secure mo ang iyong wireless network, mas mapapaigting mo ang seguridad ng iyong online na pagse-surf at mga transaksyon.

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.