U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

SSL

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

This page has been archived and is no longer actively maintained by the FCC.

Higit Pang Impormasyon

Logo ng Keep Americans Connected

Hinihikayat ng FCC na maging alerto ang mga mamamayan ng America sa mga scam at text sa telepono kaugnay ng COVID-19.

Makakuha ng mga tip para masulit ang iyong network sa bahay.

Paano pinaglilingkuran ng mga service provider (sa English) at brodkaster (sa English) ang mga komunidad.

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga pagkilos ng FCC na nauugnay sa pandemyang dulot ng coronavirus, mangyaring bumisita sa fcc.gov/coronavirus (sa English).

Para malaman ang higit pa tungkol sa pambuong-pamahalaang impormasyon na nauugnay sa mga aktibidad para sa COVID-19, bisitahin ang usa.gov/coronavirus (sa English). Para sa impormasyong nauugnay sa Spanish, bisitahin ang gobierno.usa.gov/coronavirus.

Ang ating mga mobile phone ang nagkokonekta sa atin sa mundong panlabas at ito ang mga item na posibleng pinakamadalas nating hinahawakan sa buong araw. Dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19, nakatuon ang mga mamamayan ng America sa kanilang kalusugan at kaligtasan, at nagiging malaking alalahanin ang tungkol sa kalinisan ng telepono.

Iminumungkahi ng mga eksperto sa kalusugan na linisin ang iyong telepono nang kahit isang beses sa isang araw bilang hakbang para sa pag-iwas sa sakit. Bago ka magsimula, magtanong sa manufacturer para sa gabay tungkol sa kung paano linisin ang iyong device. Ang mga manufacturer ng Apple (sa English) at ilang Android (sa English) device ay nag-aalok ng magkakatulad na rekomendasyon:

  • Alisin sa saksakan ang device bago ito linisin.
  • Gumamit ng lint-free cloth na bahagyang binasa gamit ang sabon at tubig.
  • Huwag i-spray nang direkta sa device ang mga panlinis.
  • Iwasan ang mga aerosol spray at panlinis na solution na may bleach o mga abrasive.
  • Tiyaking hindi papasukan ng tubig at moisture ang anumang butas sa device.

Bagama't ligtas na gamitin ang mga disinfectant wipe sa maraming device, tandaang ang mga ganitong uri ng panlinis na naglalaman ng alcohol, bleach o vinegar ay posibleng makasira sa protective coating sa screen ng smartphone.

Nag-aalok ang Centers for Disease Control and Prevention ng mga karagdagang payo para sa paglilinis at pag-disinfect ng iyong mga mobile device, lalo na sa panahon ng krisis na dulot ng COVID-19 (sa English). Kung walang available na tagubilin mula sa manufacturer ng device, iminumungkahi ng CDC na gumamit ng mga alcohol-based na wipe o spray na naglalaman ng hindi bababa sa 70 porsyentong alcohol para i-disinfect ang mga touch screen.

Puwede ka ring magsagawa ng mga hakbang para mabawasan ang pagkakalantad ng iyong mobile device sa germs at sa coronavirus.

  • Kapag nasa labas ka ng bahay, ilagay sa iyong bulsa, pitaka o di kaya'y iwan sa kotse ang iyong telepono.
  • Kapag namimili, gumamit ng nakasulat na listahan ng bibilhin, at huwag ang listahang naka-save sa iyong smartphone.
  • Gumamit ng credit card para sa pagbabayad, mas mainam kung contactless, at huwag ang mobile pay na opsyon sa iyong smartphone.
  • Pagkagaling sa mga pampublikong lugar, hawakan lang ang iyong telepono pagkatapos mong hugasan o i-sanitize ang iyong mga kamay o kapag naalis mo na ang mga guwantes na suot mo.
  • Gumamit ng hands-free na device kapag tumatawag nang sa gayon ay hindi nakadikit sa iyong mukha o face mask ang iyong telepono.

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.