Ang mga cable operator, satellite operator, at iba pang provider ng serbisyo ng bayad na TV ay naghahatid ng mga istasyon ng lokal na broadcast na telebisyon sa pamamagitan ng mga kontratang "retransmission consent" na napagkasunduan sa mga broadcaster. Kadalasang pinapahaba o nire-renew ang mga kasunduang ito bago mag-expire, nang walang pagkaantala sa serbisyo. Gayunpaman, kung nag-expire ang kontrata, dapat tumigil ang provider ng serbisyo ng bayad na TV sa paghahatid ng istasyon hanggang sa may maabot na kasunduan.

Mga opsyon kapag inalis ang isang lokal na istasyon

Maaari mong mapanood ang istasyon sa pamamagitan ng:

  • Paggamit sa over-the-air na antenna upang mapanood ang channel, kasama ang iba pang lokal na broadcast.
  • Mag-subscribe sa isa pang serbisyo ng bayad na TV na naghahatid ng istasyon na iyon. Maaaring mag-iba-iba ang mga available na opsyon ng bayad na TV batay sa iyong lokasyon. Tandaang nag-iiba ang mga kasunduan sa retransmission consent sa bawat provider, at hindi ginagarantiya ng paglipat sa isa pang serbisyo na patuloy na ihahatid ang isang partikular na istasyon ng broadcast pagkatapos mong mag-subscribe.
  • Pagsusuri sa Internet. May ilang broadcast programming ang makikita online, ngunit madalas na huli ang pagiging available.

Kagamitan para sa panonood ng istasyon sa ere

Upang manood ng istasyon ng telebisyon sa ere nang walang pag-subscribe sa bayad na TV, kinakailangan mo ng alinman sa digital o analog na set ng TV nakakonekta sa isang digital-to-analog converter box. Sa alinmang sitwasyon, kakailanganin ng naaangkop na antennang nakakonekta sa set ng TV o sa converter box. Depende sa iyong lokasyon, maaaring isa itong antenna na nasa loob o labas.

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga antenna, tingnan ang Gabay sa mamimili sa mga antenna at DTV.

Mga converter box at analog na set ng TV

Mula noong 2009, maaari lang matanggap ang lahat ng full-power na istasyon ng broadcast TV sa digital na format. Bagama't maaaari pa ring gumamit ng mga analog TV na may cable box ang mga subscriber ng cable, kung gumagamit ka ng analog lang na TV at gusto manood ng istasyon sa ere, kakailanganin mong gumamit ng digital-to-analog na converter box. Maaari kang bumili ng converter box sa mga retailer ng consumer electronics o online.

Paano nakakaapekto sa pagiging available ng iba pang programming ang mga negosasyon ng broadcast at bayad na TV

Minsan kasama sa mga negosasyon ng retransmission consent sa pagitan ng mga broadcaster at provider ng serbisyo ng bayad na TV ang pagpapatuloy ng paghahatid ng mga programa ng hindi broadcast television. Kung hindi na-renew o napahaba ng broadcaster at provider ng serbisyo ang kanilang kasunduan na maghatid ng kaugnay na programa na hindi broadcast, dapat huminto sa paghahatid nito ang provider ng serbisyo. Kung mangyari iyon, maaaring gustuhin mong magtanong sa iba pang lokal na serbisyo ng bayad na TV tungkol sa mga opsyon sa programming.

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.