Milyun-milyong consumer ang gumagamit ng mga pre-paid na cellphone sa pamamagitan ng TracFone at mga brand nito. Ilang taon na ang nagdaan, nagbebenta lang ang TracFone ng mga telepono na naka-lock sa serbisyo nito, na nagkakait sa mga customer sa pagkakataong magamit ang kanilang telepono para sa serbisyo ng ibang provider.
Bilang resulta ng mga negosasyon sa pagitan ng TracFone at ng Federal Communications Commission, milyun-milyong customer nito ang makakagamit na sa kanilang teleponong mula sa TracFone sa iba pang mga network kung piliin nilang magpalit ng mga provider. Gayundin, may mga remedyo rin ang TracFone na nakahanda para sa mga karapat-dapat na consumer na bumili ng mga "naka-lock" na cell phone: Nakapagbibigay ng kalayaan sa mga customer ang mga refund, credit o trade-in.
Ginawang layunin ng FCC na bigyan ng higit pang kalayaan ang mga consumer na mailipat ang kanilang mga telepono sa mga network ng ibang mga carrier kung gusto nila. Nagagawa ng mga naturang patakaran na isulong ang kompetisyon at protektahan ang mga consumer. Para sa higit pang impormasyon sa mga naka-unlock na cellular phone, bisitahin ang: https://www.fcc.gov/consumers/guides/mga-faq-sa-pag-unlock-ng-cell-phone.
Tracfone at mga brand nito
Ang TracFone ay isang international na wireless phone service provider na nagbebenta ng serbisyo sa ilalim ng iba't ibang pangalan ng brand. Sinasaklaw ng kasunduang ito ang lahat ng brand ng TracFone, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa TracFone, NET10 Wireless (nauugnay sa mga tindahan ng Family Dollar), Total Wireless, Straight Talk, SafeLink Wireless, Telcel América, Simple Mobile at Page Plus Cellular.
Mga consumer na may mga naka-lock na handset
Sumang-ayon ang TracFone na bayaran ang mga consumer na bumili ng mga naka-lock na handset para sa serbisyo ng TracFone. Tinatayang 8 milyong customer ng TracFone na bumili ng mga naka-lock na telepono mula sa TracFone ang maaaring karapat-dapat para sa kabayaran, na may average na benepisyo na $10 bawat handset.
Karapat-dapat ang mga customer ng TracFone o anuman sa mga brand nito para sa kabayaran kung sila ay isang taon nang customer o higit pa, ng mga brand ng TracFone at nasimulang gamitin ang serbisyo sa isang partikular na petsa (tingnan ang mga kinakailangang timing sa ibaba), kung hilingin nilang ma-unlock ang handset mula sa kumpanya, at kung gumagana ang kanilang telepono at hindi naiulat na nasangkot sa krimen o panlilinlang. Ang mga customer na hindi karapat-dapat ngayon ay maaaring maging karapat-dapat sa paglipas ng panahon.
Maaaring makipag-ugnayan ang mga customer sa kumpanya sa www.tfwunlockpolicy.com (sa Ingles) o sa pamamagitan ng pagtawag sa TracFone sa 1-888-442-5102 upang matingnan ang pagiging karapat-dapat at, kung karapat-dapat, matanggap ang isa sa sumusunod kapalit ng kanilang naka-lock na handset:
- Isang bagong naka-unlock na handset para sa mga customer ng Lifeline.
- Credit para sa pag-upgrade ng handset.
- Bahagyang refund na pera.
Pagiging karapat-dapat ng consumer
Upang makatanggap ng kabayaran sa ilalim ng kasunduan, ang mga consumer ay dapat na:
- Isang customer ng TracFone (kabilang ang mga brand nito).
- Humiling ng pag-unlock ng handset mula sa TracFone.
- Gamitin ang naka-lock na device sa serbisyo ng TracFone ng hindi bababa sa 12 buwan at nag-redeem ng mga card para sa paggamit ng airtime sa network ng TracFone ng hindi bababa sa 12 buwan.
- Nagmamay-ari ng gumaganang TracFone handset na hindi naiulat na nanakaw, nawawala o sangkot sa panlilinlang, at hindi na-recycle o na-port ang kanilang numero ng telepono.
- Natuguan ang ilang mga kinakailangan sa timing. Para sa mga hindi customer ng Lifeline, dapat na nagamit ang handset sa serbisyo ng TracFone pagkalipasng Pebrero 11, 2014, o na-activate gamit ang serbisyo ng TracFone pagkatapos ng Pebrero 11, 2015. Para sa mga customer ng Lifeline, tanging ang orihinal na naaprubahang customer ang karapat-dapat at dapat na nag-activate ang customer sa serbisyo ng TracFone pagkatapos ng Pebrero 11, 2014.
- Hindi kailangan ng mga customer sa militar na aktibong naka-deploy na matugunan ang mga kinakailangan sa pagiging karapat-dapat sa pag-activate ng serbisyo at pag-redeem ng air card.
- Karapat-dapat ang mga customer para sa program isang beses lang kada labing-dalawang buwan.
Makipag-ugnayan sa FCC para sa karagdagang impormasyon
Maaari ka ring magpadala ng email sa FCC para sa karagdagang impormasyon sa: tracfoneunlocking@fcc.gov (sa Ingles). Ang anumang mga pagtatanong na matanggap ng FCC sa email address na ito ay malamang na maipapasa sa TracFone para sa resolusyon.
Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format
Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."
Help Center ng Consumer
Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)
Maghain ng Reklamo sa FCC
Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.