Kaugnay na Content
- Glossary ng Scam sa Telepono (sa English)
- Help Center para sa Consumer (sa English)
Bibiyahe ka ba ngayong kapaskuhan? Tiyak na dala mo ang iyong cell phone o iba pang portable device, at may puntong kakailanganin mong i-charge ulit ito .
Kung paubos na ang iyong baterya, tandaan na ang pagkonekta mo ng iyong elektronikong device sa mga libreng estasyon ng pag-charge gamit ang USB port, tulad ng mga matatagpuan malapit sa mga gate ng airport, sa mga hotel, at iba pang lokasyong para sa pagbiyahe, ay may posibleng masasamang kinahihinantan. Posible kang maging biktima ng "juice jacking," isang bagong paraan ng pagnanakaw gamit ang computer.
Ayon sa alertong (sa English) ito mula sa Los Angeles County District Attorney, naglo-load ng mga malware ang mga kriminal sa mga pampublikong estasyon ng pag-charge gamit ang USB upang maka-access ng mga elektronikong device nang may masamang balak habang naka-charge ang mga ito. Inilalarawan ng alerto kung paano nala-lock ng naka-install na malware sa pamamagitan ng maruming port ng USB ang isang device o kung paano nito direktang nae-export ang personal na datos at mga passwordsa salarin. Magagamit ng mga kriminal ang impormasyong iyon upang maka-access ng mga online account mabenta ang mga iyo sa iba pang masamang tao.
Sa ilang pagkakataon, nag-iiwan ang mga kriminal ng mga nakasaksak na kable sa mga estasyon. Posible ka ring bigyan ng mga manloloko ng mga na-infect na kable bilang promosyonal na regalo, ayon sa isang kamakailang kwento sa New York Times (sa English).
Huwag mong hayaan ang masaid ng libreng pag-charge gamit ang USB ang iyong account sa bangko. Narito ang ilang tip na makakatulong sa iyong maiwasang maging biktima ng juice jacking:
- Iwasang gumamti ng estasyon ng pag-charge gamit ang USB. Sa halip, gumamit ng AC power outlet.
- Magdala ng AC, ,mga charger sa sasakyan, at ang iyong sariling USB na kable kapag bumibiyahe.
- Magdala ng portable na charger o ng karagdagang baterya.
- Isaalang-alang ang pagdadala ng kable na para sa pag-charge lang, na pumipigil sa pagpapadala at pagtanggap ng datos habang naka-charge, mula sa pinagkakatiwalaang supplier.
Ang mga pampublikong WiFi network ay isa pang paraan ng mga cyber na kriminal upang mangbiktima. Para matuto pa tungkol sa seguridad ng mobile phone at online na seguridad, tingnan ang patnubay para sa mamimili ng FCC: Mga Tip sa Mga Wireless na Koneksyon at sa Seguridad sa Bluetooth.
Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format
Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."
Help Center ng Consumer
Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. (Nasa wikang Ingles ang web page)
Maghain ng Reklamo sa FCC
Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.