U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

SSL

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

Kapag ang mga tawag mula sa mga kawanggawa ay umabot para sa suporta, ang mga Amerikano ay tumugon. Habang ginagawa mo ang iyong bahagi, gayunpaman, mag-ingat upang matiyak na ang iyong pera ay talagang napupunta sa isang karapat-dapat na layunin.

Ginagamit ng mga scam artist ang kabutihang loob ng Mga Amerikano sa mga ganitong panahon, at sanay sila sa pagmumukhang lehitimo.  Kaya naman, bago ibigay ang numero ng iyong credit card o magbigay ng tseke, magsaliksik ka muna. Subukang siyasatin ang pagiging lehitimo ng isang charity sa pamamagitan ng mga organisasyon gaya ng Wise Giving Alliance ng Better Business Bureau, Charity Navigator, Charity Watch, o GuideStar (sa Ingles). Maaari ka ring tumingin sa National Association of State Charity Officials (sa Ingles) upang makita kung kinakailangang iparehistro ang mga charity sa iyong estado, at kung gayon nga, upang tingnan kung nasa talaan ang charity na nakikipag-ugnayan sa iyo.

Pinupuna ng Gabay sa Consumer ng FCC na After Storms, Watch Out for Scams ang mga insurance scam na nakatuon sa mga residente ng flood-zone, at nag-aalok sila ng karagdagang payo para maprotektahan ang iyong pera kapag tumutulong sa iba, gaya ng mga ito:

  • I-verify ang lahat ng numero ng telepono para sa mga charity. Kung kailangan mong makipag-ugnayan sa isang charity sa pamamagitan ng telepono, bisitahin ang opisyal na website nito upang matiyak na lehitimo ang numerong ibinigay sa iyo.
  • Huwag magbukas ng mga kahina-hinalang email. Kung makakatanggap ka ng kahina-hinalang email na humihingi ng donasyon o iba pang tulong, huwag mag-click sa anumang link o magbukas ng anumang attachment. Regular gumagamit ng email ang mga scammer para sa mga pag-atake ng phishing at upang magpakalat ng malware.
  • Huwag basta-bastang magpaniwala sa mga post sa social media. I-verify ang anumang pangangalap ng donasyong pangkawanggawa bago ka magbigay. Kung gumagamit ka ng text-to-donate, magtanong muna sa charity kung tama ang numero.

Pag-iingat ang pangunahing kailangan. Kung kahina-hinala ang isang hindi inaasahang tawag, o kung sa tingin mo ay sinusubukan kang pilitin ng tumatawag na magbigay ng donasyon, ibaba ang telepono at huwag sumagot kung tawagan ka mang muli. Maraming lehitimong charity na maaaring ikaw mismo ang makipag-ugnayan.

Bagama’t hindi nalalapat sa mga charity ang Do Not Call list para sa mga landline na telepono, maaari mo silang sabihang huwag ka nang tawagan, at dapat nilang sundin ito.  Rerespetuhin ng mga lehitimong charity ang iyong kahilingan, ngunit hindi ito gagawin ng mga tumatawag na scammer.

Sa FCC, kadalasang direkta naming nalalaman ang tungkol sa mga scam sa telepono sa pamamagitan ng mga reklamong inihahain ng mga consumer sa amin. Maaari kang maghain ng mga reklamo sa FCC (sa Ingles) tungkol sa mga hindi ninanais na robocall at robotext at spoofing, at maging tungkol sa singil sa telecom, problema sa serbisyo, at iba pang usaping pinapangasiwaan ng FCC. Makakakuha ng impormasyon tungkol sa proseso ng FCC para sa hindi pormal na pagrereklamo, kabilang kung paano maghain ng reklamo at kung ano ang nangyayari pagkatapos maghain ng reklamo, sa FAQ sa Complaint Center ng FCC (sa Ingles).

 

 

 

   

 

 

Updated:
Thursday, October 6, 2022