Mga Scam kaugnay ng COVID-19
Ang Federal Trade Commission at ang Food and Drug Administration (sa English) ay nagbabala sa mga kumpanya tungkol sa paggawa ng mga maling pahayag at pagsusulong ng mga pekeng gamot. Maaari kang makinig ng audio mula sa ilang halimbawa ng pekeng alok para sa mga gamot, bakuna, test, HVAC filter, mask sa coronavirus at higit pa sa aming page ng mga scam kaugnay ng COVID-19.
Sample ng Audio: Scam na Callback para sa Social Security
Transcript ng audio: Kumusta, ang tawag na ito ay mula sa Social Security Administration. Sa mga nakakapanghamong oras na ito dahil sa coronavirus, ikinalulungkot kong ipaalam sa iyo na nakatanggap kami ng utos para suspindihin agad ang iyong socials sa loob ng 24 na oras dahil sa mga kahina-hinala at mapanlinlang na aktibidad na nakita sa iyong socials. Nakikipag-ugnayan kami sa iyo dahil mahalaga ang kasong ito at kailangan ng iyong agarang pansin. Para makakuha ng higit pang impormasyon tungkol sa kasong ito, mangyaring tumawag agad sa numero ng aming departmento na 888-991-XXXX. Inuulit ko, 888-991-XXXX. (Pinagmulan ng audio: Nomorobo)
Video para sa Consumer ng FCC: Pag-spoof - Huwag Nang Magpatuloy, Ibaba na ang Telepono! Para panoorin ang video na ito nang may mga caption, pindutin ang play, mag-click sa icon ng mga setting, pagkatapos ay i-click ang "Subtitles/CC" at pumili sa mga available na wika.
Nakapagbigay ang pandemya ng COVID-19 ng bagong anggulo para sa robocall at mga text scammer, at karamihan dito ay partikular na nagta-target sa mga alalahanin ng mga mas matandang Amerikano tungkol sa kanilang kalusugan at pananalapi. Sinusubaybayan ito ng FCC at ipinapaalam sa mga consumer ang tungkol sa mga scam na tawag at text kaugnay ng COVID-19, kabilang ang mga idinisenyo para linlangin ang mga senior.
Ang Social Security Administration ay nag-post ng alerto tungkol sa isang scam (sa English) na nagsasabing maaaring masuspinde o mabawasan ang natatanggap nilang benepisyo dahil sa mga pagsasara ng tanggapan kaugnay ng pandemya ng COVID-19. Sinasabi ng SSA na ang anumang tawag, text o liham na nag-aalok na “pananatilihin ang regular na natatanggap na benepisyo” kung magbabayad ka ay peke. Kung na-target ka ng scam na ito, iulat ito sa Office of the Inspector General ng SSA (sa English).
Ang IRS ay naglabas din ng mga katulad na babala tungkol sa mga scam na nagpapanggap kaugnay ng coronavirus (sa English) na nauugnay sa mga stimulus check, pagbabayad na lampas sa itinakdang petsa, paghahain ng mga extension at iba pang paksang nauugnay sa buwis.
Ipinanghihikayat din sa mga robocall ang mga pekeng pagkakataon sa pamumuhunan at mga mapanlokong account para protektahan ang iyong pensyon. Ang U.S. Securities and Exchange Commission (sa English) ay nag-post ng babala tungkol sa mga alok na pekeng stock na nagsusulong ng hindi umiiral na biotech na kumpanya na gumagawa ng bakuna para sa COVID-19. May isa pang scam na nag-aalok ng mga kita sa pamumuhunan habang nagpoprotekta laban sa pagkalugi (sa English) — dati nang alok na pekeng pamumuhunan na sumakay sa coronavirus.
Dapat ding malaman ng mga mas matandang Amerikano ang mga pampandemyang bersyon ng "grandparent scam," kung saan nagpapanggap ang scammer na isang kamag-anak, kadalasan ay apo, na nasa desperadong sitwasyon at agarang nangangailagan ng pera. Kung makatanggap ka ng ganoong tawag na humihiling na mag-wire ka ng pera o bumili ng gift card at itawag ang numero ng gift card, ibaba ito at direktang makipag-usap sa kapamilya. Para matuto pa, basahin ang gabay sa consumer ng FCC sa mga grandparent scam.
Mga Scam na Robocall at Mga Text na Gumagamit ng Mga Na-spoof na Numero
Malaman na maaaring ma-spoof ang mga scam na tawag at text para lumabas sa iyong caller ID na nagmumula ang mga ito sa isang lokal na numero o sa isang opisyal na ahensya ng pamahalaan, tulad ng IRS o ng isang kumpanyang pamilyar sa iyo. Ginagamit ng mga scammer ang mga pamamaraang ito para sagutin mo ang tawag o sumagot ka sa text. Ipinapakita ng mga istatistika na kung mapapasagot ka nila, mas lalaki ang tsansang maging biktima ka.
Tandaang habang puntirya agad ng ilang scammer ang iyong pera, puwedeng hingin ng iba ang personal na impinformation na maaari nilang gamitin sa mga kasunod pang scam o para ibenta sa iba pang masasamang loob.
Mga Tip para Matulungan Kang Maiwasang Ma-scam
Inaalok ng FCC ang mga sumusunod na tip para matulungan kang maprotektahan ang iyong sarili laban sa mga scam, kabilang ang mga scam kaugnay ng coronavirus:
- Huwag sagutin ang mga tawag o text mula sa mga hindi kilalang numero, o sinumang iba pang mukhang kahina-hinala.
- Huwag kailanman ibahagi ang iyong personal na impormasyon o impormasyon sa pananalapi sa pamamagitan ng email, text message, o sa telepono.
- Mag-ingat kung pinipilit kang agad na magbigay ng anumang impormasyon o magbayad.
- Tandaang hindi ka tatawagan kailanman ng mga ahensya ng pamahalaan para manghingi ng personal na impormasyon o pera.
- Huwag i-click ang anumang mga link sa isang text message. Kung pinadalhan ka ng isang kaibigan ng isang text na may kahina-hinalang link na mukhang hindi galing sa kanya, tawagan sila para tiyaking hindi sila na-hack.
- Palaging suriin ang isang charity — halimbawa, sa pamamagitan ng pagtawag o pagtingin sa mismong website nito — bago magbigay ng donasyon. (Matuto pa tungkol sa mga scam na charity.)
- Suriin sa kumpanya ng iyong telepono tungkol sa mga serbisyo at app sa pag-block ng tawag para i-filter ang mga pinaghihinalaang spam na robocall.
Kung sa tingin mo ay naging biktima ka ng spam kaugnay ng coronavirus, makipag-ugnayan agad sa tagapagpatupad ng batas.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga scam na tawag at text, bisitahin ang Help Center para sa Consumer ng FCC (sa English) at ang Glossary ng Scam mula sa FCC (sa English). Maaari ka ring maghain ng reklamo tungkol sa mga naturang scam sa fcc.gov/complaints (sa English).