I-download ang Poster: Limang Tip para Linisin ang Iyong Telepono
Maraming estudyante ang nagdadala ng mobile phone o gumagamit ng tablet para sa mga takdang-aralin. Iminumungkahi ng mga eksperto sa kalusugan na linisin ang inyong device nang kahit isang beses man lang sa isang araw. Ang gabay ng FCC para sa consumer tungkol sa kung paano linisin ang inyong telepono at iba pang device ay may kasamang mga kapaki-pakinabang na rekomendasyon mula sa mga manufacturer ng device.
Higit pang Impormasyon
- Mga aksyon ng FCC kaugnay sa pandemya: fcc.gov/coronavirus.
- Centers for Disease Control and Prevention: Pinakabagong gabay para suportahan ang ligtas na face to face na klase.
I-optimize ang Inyong Network sa Bahay
Kung mayroon kayong koneksyon sa internet sa bahay, baka makita ninyong mayroon kayong mas maraming device na nagsi-stream at mas maraming data ang ginagamit ninyo kaysa sa inaasahan. Tingnan ang aming gabay tungkol sa kung paano i-optimize ang inyong network sa bahay na may mga tip sa pagsusuri at kung paano masusulit ang kasalukuyang setup ninyo.
Maaaring kapana-panabik na panahon para sa mga estudyante, pamilya, at guro ang pagbabalik-eskwela. Bawat taon, mas maraming paaralan ang nagbibigay sa mga estudyante ng mga device na nakakonekta sa internet at nagbibigay ng takdang-aralin na kailangang paglaanan ng oras na mag-online. Kaya naman napakahalaga ng access sa internet sa bahay para sa pagtatagumpay ng bawat estudyante.
Para matulungan ang mas maraming pamilya na maging abot-kaya para sa kanila ang koneksyon sa internet sa bahay, ginawa ng FCC ang Affordable Connectivity Program (ACP) para makatulong na matiyak na ang mga sambahayan ay may access sa internet na kinakailangan nila para sa paaralan, trabaho, pangangalagang pangkalusugan, at higit pa.
Ang benepisyo ay nagbibigay ng diskwento na hanggang $30 kada buwan sa serbisyo sa internet para sa mga kwalipikadong sambahayan at ng diskwento na hanggang $75 kada buwan para sa mga sambahayan na nasa mga kwalipikadong Tribal land. Makakatanggap din ang mga kwalipikadong sambayahan ng isang beses na diskwento na hanggang $100 para makabili ng laptop, desktop computer, o tablet mula sa mga nakikilahok na provider kung mag-aambag sila ng mahigit $10 at mas maliit sa $50 sa presyo ng pagbili.
Paano Maging Kwalipikado para sa ACP
Maaari kayong maging kwalipikado para sa diskwento ng ACP kung lumalahok ang inyong estudyante sa Free and Reduced-Price School Lunch Program o sa School Breakfast Program, at maaari rin kayong maging kwalipikado sa pamamagitan ng USDA Community Eligibility Provision o kung ang inyong sambahayan ay kinabibilangan ng estudyante na nakatanggap ng Federal Pell Grant sa kasalukuyang taon ng paggawad.
Maaari rin kayong maging kwalipikado kung ang kita ng sambahayan ay nasa o mas mababa sa 200% ng Federal Poverty Guidelines o kung may miyembro ng sambahayan na lumalahok sa isa sa mga sumusunod na programa:
- SNAP
- Medicaid
- Housing Choice Voucher (HCV) Program (Mga Section 8 Voucher)
- Project-Based Rental Assistance (PBRA)/202/811
- Pampublikong Pabahay
- Supplemental Security Income (SSI)
- WIC
- Veterans Pension o Survivor Benefits
- Lifeline
O Lumalahok sa isa sa mga pantulong na programa at nakatira sa mga Kwalipikadong Tribal land:
- Bureau of Indian Affairs General Assistance
- Tribal TANF
- Food Distribution Program on Indian Reservations
- Tribal Head Start (nakabatay sa kita)
- Mga Programa sa Abot-kayang Pabahay para sa Mga American Indian, Alaska Native, o Native Hawaiian
May iba’t ibang internet provider, kabilang ang mga nag-aalok ng serbisyo sa landline at wireless internet, na lumalahok sa Affordable Connectivity Program. Makikita ninyo ang mga internet service provider na iniaalok ang benepisyo sa inyong estado o teritoryo dito: https://www.fcc.gov/affordable-connectivity-program-providers.
May dalawang hakbang lang para mag-enroll. Matuto pa sa AffordableConnectivity.gov.
Makipag-ugnayan sa Mga Lokal na Paaralan at Aklatan
Ang mga lokal na paaralan at aklatan ay maaaring magbigay ng mga libreng Wi-Fi hotspot o kagamitan para matulungan kayong makakonekta. Ang Emergency Connectivity Fund ng FCC ay nagbigay ng humigit-kumulang $5.8 bilyong pondo para sa programa para mabigyan ang mahigit 13 milyong estudyante ng koneksyon sa broadband at kagamitan. Sa kasalukuyan, ang kabuuang garantiya ay nakapagpondo sa humigit-kumulang 12 milyong device na may koneksyon sa internet at sa mahigit 7 milyong koneksyon sa broadband. Makipag-ugnayan sa inyong distrito ng paaralan o aklatan para matuto tungkol sa kung ano ang maaaring mayroon sila.
Priyoridad ang Kaligtasan
Kapag kumokonekta sa mga pampublikong Wi-Fi hotspot, mahalagang tandaan ang seguridad. Ang aming gabay tungkol sa kung paano protektahan ang inyong sarili online ay may kasamang ilang tip.
Mga magulang, maaaring kailangan ninyong tulungan ang inyong mga mag-aaral na mag-set up ng mahihirap na hulaang password sa kanilang mga device at na i-download ang anumang kinakailangang app para sa paaralan. Tingnan ang aming gabay para sa consumer kung ito ay angunang telepono ng inyong anak. Tiyaking alam ng inyong mga anak na hindi dapat nila sagutin ang mga tumatawag na hindi nila kilala o hindi dapat sila mag-click sa mga link sa mga text nang hindi muna ipinapakita sa inyo. Ang mga tool at resource na ito sa pag-block ng tawag ay maaaring makatulong na protektahan ang inyong mga anak mula sa mga robocall scam.
Panghuli, tingnan ang aming gabay tungkol sa pagprotekta sa inyong device, na may mga tip tungkol sa pagprotekta laban sa pagnanakaw, pagprotekta sa personal na data, at kung ano ang dapat gawin kung mawala o manakaw ang device ng inyong anak.