Maaaring mag-alok ang mga service provider ng cable television ng kahit anong gusto nilang channel, nang may ilang pagbubukod. Nakikipagkasundo ang mga kumpanya ng cable sa mga network ng telebisyon kaugnay ng mga kukunin nilang channel at tier ng programming kung saan magiging available ang mga ito. Dapat itong malaman ng mga consumer kapag pinag-iisipan nilang sumubok ng mga opsyon sa subscription sa pay TV. Nagbibigay ang mga tanong at sagot sa ibaba ng mas detalyadong impormasyon.
Kailangan ba ng mga kumpanya ng cable na magsama ng ilang partikular na channel sa kanilang mga lineup?
Sa pangkalahatan, kailangan ng mga kumpanya ng cable na mag-alok ng isang "pangunahing tier" ng programming sa lahat ng subscriber bago sila bumili ng karagdagang programming. Sa minimum, ang pangunahing tier na ito ay may mga lokal na istasyon ng telebisyon para sa pag-broadcast at pampublikong channel ng pag-access na maaaring kailanganing ialok ng tagapagpatakbo sa pamamagitan ng isang kasunduan sa lokal na pamahalaan. Maaaring piliin ng mga kumpanya ng cable na magdagdag ng higit pang channel sa pangunahing tier, ngunit hindi nila iyon kailangang gawin.
Bakit inalis ng aking cable system ang isang lokal na istasyon ng telebisyon?
Sa halip na awtomatikong isama sa pangunahing tier, kung minsan ay pinipili ng mga lokal na istasyon sa pag-broadcast na makipagsundo sa mga cable system para sa "pahintulot sa retransmission." Kapag hindi nagkasundo ang mga istasyon sa pag-broadcast at cable system, maaaring alisin ang lokal na istasyon hangga't walang nagiging kasunduan. (Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang www.fcc.gov/consumers/guides/pagtanggap-ng-mga-istasyon-sa-broadcast-tv-na-inalis-sa-serbisyo-ng-bayad-na-tv.) Kung maaalis ang isang lokal na istasyon sa pag-broadcast, maaaring mapanood mo ang nasabing istasyon gamit ang isang over-the-air na antenna o sa pamamagitan ng pag-subscribe sa isang serbisyo sa cable o satellite. Maaaring magbigay ang ilang istasyon ng programming sa internet, gayunpaman, maaaring hindi ito maging available kaagad.
Maaari bang palitan ng isang kumpanya ng cable ang lineup nito ng mga channel pagkatapos kong mag-subscribe?
Oo. Ngunit kadalasan, dapat abisuhan ng mga service provider ng cable ang mga customer kaugnay ng pagbabago sa lineup 30 araw bago ito gawin, maliban na lang kung sanhi ito ng mga bagay-bagay na hindi kontrolado ng kumpanya ng cable.
Kailangan ba ng mga kumpanya ng cable na mag-alok ng mga "a la carte" at pay-per-view na channel?
Hindi, ngunit maaari nila iyong gawin. Ipinagbabawal ng mga panuntunan ng FCC ang pag-aatas sa mga customer na mag-subscribe sa anumang tier bukod sa pangunahing tier upang magkaroon sila ng access sa mga a la carte o pay-per-view na channel na iniaalok ng system.
Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format
Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."
Help Center ng Consumer
Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)
Maghain ng Reklamo sa FCC
Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.