Sa isang panahon kung kailan maraming entity ang nangongolekta at nag-iimbak ng personal na impormasyon, gusto mong tiyaking ligtas ang iyong impormasyon. May mga programang panregulatoryo ang FCC na pinapairal upang protektahan ang iyong privacy.
Pagprotekta sa Mga Talaan ng Telepono
Kinokolekta ng mga kumpanya ng lokal, long distance at wireless na telepono, gayundin ng mga provider ng serbisyong IP, ang partikular na impormasyon ng customer, gaya ng mga numerong tinatawagan mo at kapag tinatawagan mo ang mga ito. Sinusubaybayan din nila ang mga serbisyong ginagamit mo, gaya ng pagpapasa ng tawag o voice mail. Maaaring gamitin, isiwalat o pahintulutan ng mga kumpanya ang access sa impormasyong ito sa mga ganitong sitwasyon:
- Ayon sa iniaatas ng batas.
- Mayroong pahintulot mo.
- Habang inihahatid ang serbisyo kung saan nakuha ang impormasyon ng customer.
Maaari lang ibigay sa iyo ng iyong kumpanya ng telepono ang iyong impormasyon ng customer kung hihilingin ito, na kung saan may ilang partikular na proteksyon:
- Password para sa mga kahilingan sa telepono o online
- Wastong larawan para sa pagkakakilanlan kung personal na gagawin ang iyong paghiling.
Bukod pa rito, ang iyong kumpanya ng telepono ay dapat:
- Kumpirmahin ang anumang bago o pinalitang password, back-up para sa isang nakalimutang password, online account o isang address ng talaan.
- Kunin ang iyong pahintulot upang gamitin ang iyong impormasyon ng customer para sa marketing.
- Panatilihin ang mga tumpak na talaan hinggil sa pagsisiwalat ng iyong impormasyon ng customer sa mga third party kasama ng iyong pag-apruba.
- Magsumite sa FCC ng taunang buod ng lahat na natanggap na reklamo ng consumer hinggil sa hindi awtorisadong paglalabas ng impormasyon ng customer at patunayang sumusunod ito sa mga alituntunin ng FCC.
Pagprotekta sa iyong impormasyon ng customer
- Tanungin ang iyong provider ng serbisyo para sa mga detalye tungkol sa kung paano nito poprotektahan ang pagiging kumpidensyal ng iyong impormasyon ng customer.
- Basahin nang mabuti ang iyong bill ng telepono at ang anumang iba pang paunawang natanggap mo mula sa iyong kumpanya. Tukuyin kung ang iyong kumpanya ay nanghihingi ng pahintulot sa pag-opt in o pag-opt out upang gamitin o ibahagi ang iyong impormasyon ng customer para sa marketing, at linawin ang iyong pasya sa iyong provider. May bisa ang iyong pasya hanggang sa abisuhan mo ang iyong kumpanya na naiiba rito.
- Kung gagamit ka ng password kapag makikipag-ugnayan sa iyong provider ng serbisyo upang kunin ang iyong impormasyon ng customer, iwasan ang paggamit ng anumang sensitibo o madaling malamang impormasyon, gaya ng iyong social security number.
Tandaan, nalalapat ang impormasyon ng customer sa lahat ng kumpanya ng telepono: lokal, long distance, wireless at VoIP. Ipaalam ang iyong mga pasya sa impormasyon ng customer sa bawat kumpanya.
Privacy ng Caller ID
Iniaatas ng mga alituntunin sa caller ID ng FCC sa mga kumpanya ng telepono na mag-alok ng mga simple at pare-pareho sa bawat linyang proseso ng pag-block at pag-unblock. Idinisenyo ang mga ito upang pigilan ang pagpapadala ng iyong numero ng telepono sa mga tinatawagan mong partidong naka-subscribe sa isang serbisyo ng caller ID. Binibigyan ka ng mga proseso ng pagpipilian kung ipapakita o iba-block ang iyong numero ng telepono para sa anumang gagawing mong interstate na pagtawag.
Iniaatas ng mga alituntunin ng FCC sa mga telemarketer na ipakita sa caller ID ang alinman sa mga numero ng telepono at, kung posible, ang kanilang mga pangalan, o ang pangalan ng kumpanyang kinakatawan nila. Kasama dapat sa ipinapakita ang numero ng teleponong maaari mong tawagan sa mga regular na oras ng negosyo upang hilingin sa kumpanyang ihinto ang pagtawag. Nalalapat din ang alituntuning ito kahit mayroon nang nasimulang pakikipag-ugnayan sa negosyo sa iyo ang kumpanyang tumatawag.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga alituntunin sa caller ID ng FCC, tingnan ang gabay sa consumer ng FCC sa www.fcc.gov/consumers/guides/spoofing-caller-id (sa Ingles).
Privacy ng Subscriber sa Cable
Kailangang kolektahin ng mga provider ng serbisyo ng cable ang ilang partikular na impormasyon upang masingil ka nang maayos, gaya ng iyong address, ang mga serbisyo kung saan ka naka-subscribe at anumang pay-per-view na transaksyon. Kinakailangan kang abisuhan ng iyong provider ng cable kapag nagsimula ka sa serbisyo, at na abisuhan ka pagkatapos nito nang hindi bababa sa isang beses sa bawat taon, tungkol sa anumang kokolektahin nitong impormasyong personal na nagpapakilala. Dapat nitong sabihin sa iyo:
- Ang saklaw, dalas at layunin ng kokolektahing personal na impormasyon.
- Ang tagal ng panahon kung kailan pananatilihin ang impormasyon.
- Ang mga oras at lugar kung saan maaaring i-access ng subscriber ang kanyang personal na impormasyon.
- Anumang limitasyong inilapat sa operator ng cable ng mga awtoridad ng pederal, estado o lokal hinggil sa pagkolekta at paghahayag ng personal na impormasyon, gayundin ang iyong mga karapatang ipatupad ang mga limitasyon.
Dapat kang bigyan ng mga operator ng cable ng access sa iyong mga personal na talaan sa mga makatuwirang panahon at sa isang angkop na lugar, at dapat kang bigyan ng mga makatuwirang pagkakataong itama ang anumang pagkakamali.
Panghuli, hindi maaaring ihayag ng iyong provider ang alinman sa impormasyong ito nang walang nakasulat na pahintulot mula sa iyo. Kung naniniwala kang nakompromiso ka ng paglabag ng provider ng cable sa alinman sa mga ipinag-uutos na ito, maaari mong idemanda ang iyong provider ng cable sa pederal na korte.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga alituntunin ng FCC hinggil sa pagpapanatili at pagiging available ng mga pampublikong talaan ng kumpanya ng cable, tingnan ang sumusunod na gabay ng consumer ng FCC: www.fcc.gov/consumers/guides/mga-tala-ng-kumpanya-ng-cable-mga-kinakailangan-sa-pampublikong-pagsisiyasat.
Maghain ng Reklamo
Marami kang opsyon sa paghahain ng reklamo sa FCC:
- Ihain ang iyong reklamo online (sa Ingles)
- Sa pamamagitan ng telepono: 1-888-CALL-FCC (1-888-225-5322, sa Ingles); TTY: 1-888-TELL-FCC (1-888-835-5322, sa Ingles); ASL Videophone: 1-844-432-2275 (sa Ingles)
- Sa pamamagitan ng liham (pakisama ang iyong pangalan, address, impormasyon sa pakikipag-ugnayan at ang lahat ng detalyeng maaaring isama tungkol sa iyong reklamo, hangga't maaari):
Federal Communications Commission
Consumer and Governmental Affairs Bureau
Consumer Inquiries and Complaints Division
45 L Street NE
Washington, DC 20554
Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format
Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."
Help Center ng Consumer
Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)
Maghain ng Reklamo sa FCC
Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.