Pinagbabawalan ng pederal na batas sa pangkalatahan ang mga pag-broadcast ng radyo nang walang lisensya mula sa FCC. Ang sinumang mahuhuling nagpapatakbo ng istasyon ng radyo nang walang awtorisasyon ng FCC ay maaaring sumailalim sa iba't ibang pagkilos sa pagpapatupad, kabilang ang pagkuha ng kagamitan, mga pagmumulta, at iba pang parusang pangkriminal.
Mga awtorisadong pagbubukod
May ilang partikular na limitadong pagbubukod sa panuntunang ito. Pinapayagan ang operasyon ng mga Citizens Band (CB) na radyo, radyo ng domestikong barko at sasakyang panghimpapawid, istasyon ng pagkontrol ng radyo at iba pang partikular na uri nang hindi kumukuha ng mga indibidwal na lisensya ng istasyon. Gayunpaman, hindi dapat lumalabag ang paggamit ng mga device na ito sa mga panuntunang pang-operasyon at teknikal ng FCC, dahil maaari itong maituring na hindi awtorisadong operasyon ng radyo. Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang gabay sa consumer ng FCC na Personal na Serbisyo ng Radyo para sa Pakikipag-ugnayan. Kung may mga pinaghihinalaan ka o nalalamang hindi awtorisadong operasyon ng radyo, pakiabisuhan ang FCC.
Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format
Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."
Help Center ng Consumer
Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)
Maghain ng Reklamo sa FCC
Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.