U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

SSL

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

Nakakatanggap ang Federal Communications Commission ng maraming reklamo tungkol sa pagbabanggit sa mga programa ng mga istasyon ng telebisyon at/o radyo, o ng kanilang mga empleyado o bisita, ng mga matindi, hindi wasto, o kaya ay hindi naaangkop na pahayag tungkol sa pulitika, ekonomiya, o lipunan.

Sa ilang sitwasyon, ipinahahayag sa mga reklamo na dahil sa ilang partikular na pahayag na bino-broadcast, maaaring malagay sa panganib ang Estados Unidos o ang mga mamamayan nito, o maaari itong maging banta sa uri ng ating pamahalaan, sa sistema ng ating ekonomiya o sa mga itinatag na institusyong tulad ng pamilya o kasal. Sinasabi nilang "hindi maka-Amerika" ang mga pahayag na ito at isa itong pang-aabuso sa kalayaan sa pagsasalita. Nakakatanggap din ang FCC ng mga reklamo na ang ilang pahayag na bino-broadcast ay nambabatikos, nanlilibak, "nagbabansag ng stereotype," o nanghahamak ng mga indibidwal o pangkat dahil sa relihiyon, lahi, bansang pinagmulan, kasarian, o iba pang katangian ng pangkat o indibidwal. Panghuli, maraming consumer ang nagrereklamo na ang mga bino-broadcast sa telebisyon o radyo ay malaswa, hindi naaangkop, walang pakundangan, o kaya ay nakakasakit.

Ano ang Responsibilidad ng FCC?

Pinagbabawalan ng batas ang FCC na subukang pigilan ang pag-broadcast ng anumang pananaw. Kadalasan, pinagbabawalan ng Communications Act ang FCC na mag-censor ng materyal sa pag-broadcast, at gayundin sa pagsasagawa ng anumang regulasyong hahadlang sa kalayaan sa pagsasalita. Ang mga paghahayag ng mga pananaw na walang "malinaw at umiiral na banta ng malubhang aktwal na kasamaan" ay pinoprotektahan sa ilalim ng Konstitusyon, na naggagarantiya ng kalayaan sa pagsasalita at kalayaan ng press at pumipigil sa pagbabawal ng FCC sa mga ganitong paghahayag. Ayon sa opinyon ng FCC sa paksang ito, "pinakamainam na naseserbisyuhan ang interes ng publiko sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa malayang paghahayag ng mga pananaw." Tinitiyak ng alituntuning ito na maipapahayag ang karamihan ng magkakaiba at magkakasalungat na opinyon, kahit na maaaring lubhang nakakasakit ang ilan sa mga ito.

Gayunpaman, may mga responsibilidad sa pagpapatupad ang FCC sa ilang partikular na limitadong pagkakataon. Halimbawa, binanggit sa mga Korte na protektado ng First Amendment sa Konstitusyon ang hindi naaangkop na materyal at hindi ito ganap na mapagbabawalan. Gayunpaman, maaari itong paghigpitan upang maiwasang ma-broadcast ito kapag may makatuwirang dahilan na maaaring may mga batang manonood o tagapakinig. Pinagbabawalan ng mga panuntunan ng FCC ang pagpapalabas ng hindi naaangkop materyal mula 6 A.M. hanggang 10 P.M. (kung kailan may malaking posibilidad na maaaring nanonood ang mga bata). Inaatasan ang mga broadcaster na iiskedyul ang kanilang programa nang naaayon o kung hindi ay mahaharap sila sa aksyon sa pagpapatupad. Gayundin, ipinahayag ng Komisyon na pinagbabawalan ang walang pakundangang materyal mula 6 A.M. hanggang 10 P.M.

Panghuli, pinagtibay ng mga korte na hindi protektado ng First Amendment ang malaswang materyal at hindi ito maaaring i-broadcast sa anumang oras. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga panuntunang ito, tingnan ang aming gabay para sa consumer.

Ano ang Mga Responsibilidad ng Mga Broadcaster?

Ang bawat lisensyadong istasyon ng radyo at telebisyon ang responsable sa pagpili sa lahat ng bagay na ibo-broadcast at sa pagpapasya kung paano pinakamainam na mapagsisilbihan ng mga istasyon nila ang kanilang mga komunidad. Ang mga lisensyado sa pag-broadcast ang responsable sa pagpili ng mga programa sa paglilibang at programa hinggil sa mga lokal na isyu, balita, ugnayang pampubliko, relihiyon, sports, at iba pang paksang ieere ng istasyon. Pinagpapasyahan din nila kung paano isasagawa ang kanilang mga programa, kabilang ang mga call-in show, at kung ie-edit o muling iiskedyul ba ang mga programa o materyal (halimbawa, paglipat ng programa sa isang time slot kung kailan maaaring hindi nanonood o nakikinig ang mga bata) o hindi.

Paano Kung Mayroon Akong Komento at/o Alalahanin tungkol sa Partikular na Pag-broadcast o Pahayag?

Kung sa palagay mo ay malaswa, hindi naaangkop, o walang pakundangan ang bino-broadcast, maaari kang maghain ng reklamo sa FCC (sa wikang Ingles).

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.