Pakinggan Kung Paano Nagsisimula ang Isang Medicare Scam
Transcript ng audio: Kumusta, si Casey po ito. Isa po akong Medicare advisor na tumatawag sa isang nire-record na linya. Kumusta po kayo ngayon?
Transcript ng audio: Si Shelly po ito sa Medicare enrollment center, sa isang nire-record na linya, at nakita ko dati na nagtanong po kayo tungkol sa inyong Medicare supplement coverage. Naririnig po ba ninyo ako?
Ang audio ay hatid ng Nomorobo * (sa English)
Nauugnay na Content
Karaniwan ay mukhang random ang mga robocall scam, pero hindi ito palaging ganoon. Minsan ay naka-target ito - gaya ng sa mga nakakatandang American na may Medicare eligibility na nagbibigay-daan sa panloloko sa health insurance.
Sa pagsusumikap na labanan ang naturang mga scam (sa English), ang mga Center for Medicare and Medicaid Services noong nakaraang taon ay nagsimulang maglabas ng mga card na gumagamit ng mga natatanging Medicare Beneficiary Identifier number sa halip na mga Social Security Number ng mga cardholder. Dahil sa pagbabagong ito, maraming mga pederal na ahensya, kasama ang FCC, ang nag-alerto sa mga consumer na mag-ingat sa mga identity thief (magnanakaw ng pagkakakilanlan) na sumusubok na magnakaw ng mga numero ng Medicare card sa yugto ng transisyon, na hanggang Disyembre 2019.
Narito kung anong magagawa mo para protektahan ang iyong sarili.
Mag-ingat:
Maaaring i-spoof ng masasamang loob ang iyong caller ID number nang sa gayon ay ang isang papasok na tawag ay mukhang nagmumula sa isang ahensya ng pamahalaan o isang health provider na kilala at pinagkakatiwalaan mo na. Ginagawa nila ito para hikayatin kang sumagot.
Kapag sinagot mo ang tawag, karaniwan ay magsisimulang makikipagdaldalan sa iyo ang isang scam caller para makuha ang iyong atensyon, at magtatanong siya sa iyo ng mga simpleng tanong para makampante ka. Pagkatapos, ang scam caller ay maaaring magsabi ng ganito: "Kailangan naming kumpirmahin ang mga numero sa iyong bagong Medicare card para i-activate ito" o "ang iyong bagong Medicare card ay may error at kailangan namin itong palitan" o "ipinadala sa iyo ang lumang papel na bersyon at may bagong plastic na bersyon." Anumang ang scenario ng scam, gusto nilang makuha ang iyong personal na impormasyon, kasama nag iyong bagong Medicare card number at posibleng ang iyong Social Security Number.
- Hindi ka kailanman tatawagan ng Medicare nang walang abiso at hindi ka hihingan ng personal o pribadong impormasyon.
- Makakakuha ka ng nakasulat na pahayag sa korea bago ka makatanggap ng tawag sa telepono mula sa isang ahensya ng pamahalaan.
- Hindi dapat pagkatiwalaan ang mga tawag na humihiling ng impormasyon sa health insurance.
- Walang mga "plastic" na Medicare card.
Makaalam:
Magmasid. Maaaring magaling mangumbinse ang mga scammer, at maaaring may kaunti silang alam - o marami - tungkol sa iyo, lalo na kung mayroon silang access sa ilan sa iyong personal na impormasyon. Sundin ang mga simpleng tip na ito para iwasan ang mga spoofing scam:
- Huwag sumagot ng mga tawag mula sa mga hindi kilalang numero.
- Kung sasagot ka at hindi inaasahan ang tawag, ibaba kaagad ang tawag.
- Huwag magbigay ng personal na impormasyon gaya ng mga numero ng account, mga Social Security number, mga pangalan sa pagkakadalaga ng ina, mga password o iba pang sagot na makakapagpakilala sa sarili sa isang hindi inaasahang tawag.
- Mag-ingat kung pinipilit kang magbigay kaagad ng impormasyon.
- Kung sasabihin ng isang caller na kinakatawan niya ang isang health insurance provider o isang ahensya ng pamahalaan, ibaba lang ang telepono. Maaari mong sabihin sa kanilang tumawag gamit ang isang numero ng telepono sai snag account statement, sa phone book, o sa isang opisyal na website para kumpirmahin ang pagiging tunay ng caller.
Manatiling Nakakaalam:
Ang "Ang Medicare at Ikaw: Paghadlang sa Panloloko sa Medicare (sa English)," isang video mula sa Centers for Medicaid and Medicare Services, ay nagpapayo sa isang "ibaba ang telepono kapag tinawagan ka ng isang tao at hiniling ang iyong Medicare number." Hinihikayat din nitong bantayan mo ang iyong Medicare number like tulad ng iyong mga card number.
Kung hihilingin ng isang tao ang iyong impormasyon, pera, o magbabantang kakanselahin ang iyong mga benepisyong pangkalusugan kung hindi mo ibabahagi ang iyong personal na detalye, ibaba ang tawag at tumawag sa 1-800-MEDICARE (1-800-633-4227) o bumisita sa www.medicare.gov/fraud (sa English).
Maaari kang mag-browse sa FCC Mga Post sa FCC Consumer Help Center (sa English) para matuto pa tungkol sa mga katulad na scam, kasama ang mga mga open enrollment na scam sa health insurance.
Maaari ka ring maghain ng mga reklamo bilang consumer tungkol sa mga scam sa telepono sa FCC (sa English) o sa FTC (sa English). Basahin ang FAQ ng FCC Complaint Center (sa English) para matuto pa tungkol sa hindi pormal na proseso ng pagrereklamo sa FCC, kasama ang kung paano maghain ng reklamo, at kung anong mangyayari kapag naghain ng reklamo.
* Hindi nag-eendorso ang FCC ng anumang komersyal na produkto o serbisyo.