U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

SSL

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

Mga Babala sa Scam

Habang dumarami ang online na pamimili, dumarami rin ang mga scam na tawag at text ng notification sa paghahatid. Ang Gabay ng Consumer sa COVID-19 ng FCC ay may impormasyon tungkol sa mga scam sa coronavirus at kung paano mo maiiwasang maging biktima, kasama ang mga kapaki-pakinabang na tip tungkol sa kalinisan sa cell phone at sa pag-optimize ng iyong home wireless network, at higit pa.

Binigyan ng Babala ang Mga Provider

Ipinag-aatas ng FCC at FTC sa mga service provider ng gateway na gawin ang kanilang tungkulin para mahinto ang mga scam na robocall na nauugnay sa virus o kung hindi ay haharap sila sa mga seryosong parusa. Matuto pa (sa English).

Ang pakikipagkumperensya gamit ang video ay naging paraan kung paano tayo nagtatrabaho, nag-aaral, at nakikipagtipon kasama ang pamilya at mga kaibigan sa panahon ng COVID. Sa kasamaang-palad, posibleng sirain ng mga bad actor ang kasiyahan ngayong kapaskuhan.

Hindi lang simpleng pag-antala sa mga pag-uusap gamit ang video ang kayang gawin ng mga hacker -- posible ring magbahagi sila ng mga file na naglalaman ng spyware o ibang malware. Bilang tugon, ang provider ng software para sa pakikipagkumperensya gamit ang video na Zoom ay naglabas kamakailan ng teknolohiyang "tuloy-tuloy na nagsa-scan ng mga pampublikong post sa social media at iba pang pampublikong site para sa mga link ng meeting sa Zoom," ayon sa isang post ng ZDNet noong Nobyembre (sa English). Kapag nakita ang isang link, bibigyan ng babala ng "Notifier ng Nasa Panganib na Meeting" ang host ng meeting na posibleng magawa ng mga bad actor ang "Zoom Bomb," o mag-crash, sa kanyang meeting.

Para maiwasan ang mga hindi inimbitahang bisita:

  • Protektahan ng password ang iyong mga tawag sa video conference: Pangkalahatang isasama ng software ang password kasama ang numero ng meeting ID kapag nagpadala ka ng mga imbitasyon.
  • Gumamit ng mga random na nabuong numero ng meeting ID. Posibleng panatilihin ng iyong software ang iisang meeting ID para sa lahat ng meeting na ikaw ang host. Kapag ginamit ulit ang iisang ID, mas madaling i-target ang iyong mga meeting. Sa halip, piliin ang feature ng software na random na nabuong numero ng ID.
  • Baguhin ang mga setting para dapat na mag-log in ang "host" bago ang iba. Kapag ginawa ito, mapipigilan nito ang sinuman na pumasok sa meeting nang maaga, bago magkaroon ng sinumang pipigil sa kanya.
  • >Gamitin ang feature na "kuwarto para sa paghihintay" para i-screen ang mga kalahok. Nagsisilbi itong filter na nagbibigay-daan sa host na papasukin lang ang mga taong inimbitahan.
  • I-lock ang meeting kapag naka-log in na ang lahat ng inimbitahang kalahok. Nakakatulong itong pigilan ang mga taong posibleng random na nakakita sa iyong meeting, o sa pamamagitan ng mga na-hack na email, na magkaroon ng access.
  • I-off ang pagbabahagi ng file at pagbabahagi ng screen maliban na lang kung nilalayon mo itong gamitin. Puwede mo itong i-on ulit anumang oras sa ibang pagkakataon. Kapag "naka-off" ito bilang default na setting, posibleng mapigilan ang mga hindi gustong attendee na magkalat ng mga hindi kanais-nais na file o software.
  • Panatilihing up to date ang iyong software para sa pakikipagkumperensya gamit ang video. Patuloy na naghahanap ang mga kumpanya ng mga potensyal na kahinaan, at nag-aalok ang mga ito ng mga pag-aayos kapag nakita nila ang mga ito. Tiyaking ia-update lang ang software sa pamamagitan ng website ng kumpanya, o gamit ang mga built in na tool sa awtomatikong pag-update./li>
Updated:
Tuesday, December 22, 2020