Ano ang iyong pinakamahalagang pinansyal na numero? Ito ba ay ang iyong numero ng Social Security? Ang numero sa iyong bank account?

O ang numero ng iyong mobile phone?

Ang mga text message ay kadalasang ginagamit ng mga bangko, negosyo, at serbisyo sa pagbabayad para ma-verify ang iyong pagkakakilanlan kapag humiling ka ng mga update sa iyong account. Alam ng mga mauutak na scammer na sa pamamagitan ng pag-hijack sa numero ng iyong mobile phone, maaari nilang makuha ang iyong pagkakakilanlan, ma-intercept ang mga protocol sa seguridad na ipinapadala sa iyong telepono, at maaari silang magkaroon ng access sa iyong mga account sa pananalapi at sa social media.

Ang Scam sa Pag-port Out: Paano Ito Ginagawa

Ang isang paraan para ma-hijack ang iyong numero ng telepono ay sa pamamagitan ng scam sa pag-port out. Maaaring mag-port ng mga numero ng mobile phone sa legal na paraan mula sa isang provider papunta sa susunod kapag inilipat mo ang iyong serbisyo sa telepono. Nakapagtaguyod na ang mga kumpanya ng telepono ng mga pag-iingat para maprotektahan ang prosesong ito, tulad ng pagpapa-set up sa mga may-ari ng account ng PIN o ng password na dapat nilang ibigay kapag tumatawag sila tungkol sa kanilang account. Gayunpaman, maaaring manghimasok ang mga scammer kapag mayroon silang sapat na personal na impormasyon mo na magagamit nila sa pag-hijack sa iyong numero ng telepono kasama ang iyong pagkakakilanlan.

Pinupuntirya ng mga scammer ang personal na impormasyon ng kanilang biktima, tulad ng kanyang pangalan, address, petsa ng kapanganakan, mga PIN o password, at ang huling apat na digit ng kanyang numero ng Social Security. Maaaring subukan ng mga scammer na kunin ang impormasyong ito sa pamamagitan ng pagtawag sa kanilang biktima at pagpapanggap na isang pinagkakatiwalang negosyo o institusyon, at pagkatapos ay pagbibigay ng ilang serye ng mga tanong para makakuha ng maraming data hangga’t maaari. Sa ilang sitwasyon, maaaring nanakaw na ang impormasyon at available na ito sa dark web.

Kapag nagsimulang humiling ng pag-port ang mga scammer, niloloko nila ang kumpanya ng telepono ng biktima at pinaniniwala nilang ang kahilingan ay mula sa awtorisadong may-ari ng account. Kung magiging matagumpay ang scam, ipo-port ang numero ng telepono sa ibang mobile device o account ng serbisyo na na-set up ng scammer. Karaniwan itong nagsisimula ng unahan kung saan ang scammer, sa pamamagitan ng pagtanggap sa mga pribadong text at tawag ng biktima, ay sinusubukang i-reset ang mga kredensyal sa pag-access para sa maraming account sa pananalapi at sa social media hangga’t maaari bago malaman ng biktima na nawalan sila ng serbisyo sa kanyang device. Kapag may access na ang scammer, tatangkain niyang ubusin ang laman ng mga bank account ng biktima. Sa iba pang paraan, tinatangka niyang ibenta o ipatubos pabalik sa biktima ang access sa kanyang mga account sa social media.

Paano Protektahan ang Iyong Sarili

  • Maging Proactive: Kung wala ka pang PIN o password para i-verify ang iyong pagkakakilanlan kapag tumatawag tungkol sa iyong account, makipag-ugnayan sa kumpanya ng iyong telepono at humiling na magdagdag nito.
  • Manatiling Alerto: I-enable ang mga notification sa email at sa text para sa mga account sa pananalapi at iba pang mahalagang account. Kung makakatanggap ka ng abiso na may ginawang mga pagbabago sa iyong account nang hindi mo alam, makipag-ugnayan agad sa negosyong may hawak sa account na iyon para ipaalam sa kanilang wala kang pinahintulutang pagbabago.
  • Huwag Tumugon: Kung may isang taong tatawag o magte-text sa iyo at hihilingin ang iyong personal na impormasyon, huwag itong ibibigay. Kung sasabihin ng tumatawag na mula siya sa negosyong pamilyar sa iyo, ibaba ang tawag at tawagan ang negosyo gamit ang isang numerong pinagkakatiwalaan mo, tulad ng numero sa iyong bill, sa isang phone book, o sa website ng kumpanya.
  • Huwag masyadong magbabahagi: Protektahan ang mga personal na detalyeng maaaring magamit para i-verify ang iyong pagkakakilanlan – tulad ng huling apat na digit ng iyong numero ng Social Security, iyong numero ng telepono, iyong petsa ng kapanganakan, manufacturer at modelo ng iyong kotse, pangalan ng iyong alagang hayop, o pangalan sa pagkadalaga ng iyong ina. At huwag ilalagay sa social media ang impormasyong iyon.

Kumilos nang Mabilis

Sa karaniwan, ang unang senyales na nangyari na ito ay ang ang pagkawala ng serbisyo sa iyong device kung saan dumidilim ang screen ng iyong telepono o mga tawag sa 911 lang ang pinapayagan. Kung pinaghihinalaan mong nabiktima ka ng scam sa pag-port out, kumilos agad:

  • Makipag-ugnayan sa kumpanya ng iyong telepono
  • Makipag-ugnayan sa iyong bangko at iba pang pinansyal na institusyon
  • Maghain ng ulat sa pulisya
  • Maglagay ng alerto sa panloloko sa iyong mga credit report at kumuha ng mga kopya ng iyong ulat

Maghain ng reklamo

Kung nararamdaman mong biktima ka ng scam sa pag-port out, maghain ng reklamo (sa English) sa FCC nang libre. Ang FAQ ng Center ng Reklamo ng FCC (sa English) ay may higit pang impormasyon tungkol sa proseso ng hindi pormal na reklamo ng ahensya. Maaari ka ring maghain ng mga reklamo tungkol sa pagnanakaw ng pagkakakilanlan at panloloko sa consumer sa FTC (sa English).

 

 

 

   

 

 

Updated:
Tuesday, July 11, 2023