Kung nanonood ka ng libreng over-the-air television gamit ang isang antenna, dapat mong pana-panahong i-rescan ang iyong TV para tiyaking natatanggap mo ang lahat ng available na channel sa iyong lugar. Ito ang parehong pag-scan na ginawa mo para makita ang iyong mga lokal na channel noong i-set up mo ang iyong TV o converter box sa unang pagkakataon. Kung hindi mo pa na-scan kamakailan ang iyong TV, puwedeng magulat ka sa kung gaano karaming istasyon ang available ngayon.
Puwede mong tingnan ang mapa ng reception (sa English) ng DTV ng FCC para tingnan ang mga available na channel sa iyong lokasyo. Para sa higit pang impormasyon sa mga antenna, tingnan ang gabay sa consumer ng FCC sa mga antenna at digital television.
Hindi mo kailangang mag-rescan kung subscriber ka ng cable o satellite TV. Ang provider mo ang mag-a-update sa iyong mga lokal na channel para sa iyo.
Pinalitan ng ilang lokal na istasyon ng TV sa buong bansa ang kanilang mga over-the-air broadcast frequency mula 2018-2020 bilang bahagi ng planong buksan ang mga airwave para sa mga bagong high-speed na wireless na serbisyo (sa English). Kung mangyari ito kung saan ka nakatira, hindi magbabago ang aktwal na numero ng channel sa iyong TV. Gayunpaman, kakailanganin mong mag-rescan para tiyaking patuloy na matatanggap ng iyong TV ang channel na iyon. Maliban sa mga pambihirang pagkakataon, walang kailangang bagong kagamitan o serbisyo.
Pag-rescan gamit ang Iyong Remote Control
Paiba-iba ang terminolohiya para sa pag-rescan sa iba’t ibang manufacturer. Puwede ring tukuyin ang pag-rescan bilang auto-tuning, pag-set up ng channel, pag-scan ng channel, paghahanap ng channel, auto-scan, auto-program, o iba pang terminolohiya, depende sa brand at modelo ng iyong TV. Magkakatulad ang mga tagubilin para sa karamihan ng remote control. Bagama’t puwedeng iba ang termonolohiya, napakasimple lang ang proseso para sa pag-rescan.
Kumonsulta sa owner’s manual ng iyong TV o converter box, o bisitahin ang website ng manufacturer, para sa mga tagubilin at impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa customer service. Nagbibigay ang sumusunod na chart ng step-by-step na mga tagubilin para sa maraming brand ng television (nasa English ang lahat ng website).
BRAND NG TV |
STEP-BY-STEP NA MGA TAGUBILIN |
---|---|
Haier |
I-click ang "Menu" button. |
Hitachi |
I-click ang "Menu" button. |
Insignia |
I-click ang "Menu" button. |
LG |
I-click ang "Home" button. |
Panasonic |
I-click ang "Menu" button. |
Philips |
I-click ang "Home" button. |
Samsung |
I-click ang "Menu" button. |
Sharp |
I-click ang "Quick Setup Menu" button. |
Toshiba |
I-click ang "Menu" button. |
Vizio |
Pindutin ang "Menu" button. |
Para sa mga brand na hindi nakalista sa chart, madalas ay pareho ang mga tagubilin at karaniwang kasama ang mga hakbang na ito:
- Pindutin ang "set-up" o "menu" sa TV remote control o converter box.
- Piliin ang "channels," "antenna," o iba pang katulad na teknolohiya.
- I-click ang "scan," "auto-tune," "channel search," "auto-program," o iba pang katulad na terminolohiya.
- Ang TV na ang bahala sa iba pa. Karaniwang tumatagal lang nang ilang minuto ang proseso.
Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format
Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."
Help Center ng Consumer
Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)
Maghain ng Reklamo sa FCC
Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.