Ang Affordable Connectivity Program ay nilikha ng FCC upang tumulong sa mga sambahayan na nahihirapan na magbayad para sa serbisyo ng internet. Bilang bahagi ng pagsisikap na ito, ang FCC ay nakikipagtulungan sa mga tao at organisasyon upang tumulong na mapataas ang kamalayan tungkol sa ACP. Ang mga materyales sa ibaba ay magagamit ng publiko, at maaaaring i-download ay ikustomisa upang umayon sa iyong pangangailangan. Ang mga napiling sambahayan ay maaaring mag-enroll sa ACP sa pamamagitan ng isang aprubadong tagapagbigay ng serbisyo o sa pagbisita sa GetInternet.gov.
Upang malaman pa ang tungkol sa programa o maging isang katuwang bumisita sa www.fcc.gov/acp.
Kung ikaw ay may mga katanungan sa anumang mga materyales sa ibaba mangyaring makipag-ugnayan sa ACPinfo@fcc.gov.
Halimbawang Nilalaman para sa Kampanya sa Pagpapakilala
Mga Sanggunian sa Web
- Consumer FAQ - Mga tanong at sagot tungkol sa pagpili, paano mag-apply, ang mga kasaling mga tagapagbigay ng serbisyo, benepisyo sa nakakonektang device, Tribal benefits, at tagal ng programa.
- Tool sa Paghanap ng mga Kasaling Tagapagbigay ng Serbisyo - Hanapin ang mga tagapagbigay ng serbisyo ng internet na nag-aalok ng diskwento na Affordable Connectivity Program discount sa iyong estado o teritoryo.
- Impormasyon para sa Konsyumer sa Affordable Connectivity Program
- GetInternet.gov - Ang website kung saan ang mga konsyumer ay maaaring mag-enroll.