Mga Sambahayan Sa Panahon Ng Pandemya
EBB: Ano Ito at Paano Ito Gumagana
Nagbigay ang Chairwoman ng FCC na si Jessica Rosenworcel ng pangkalahatang-ideya tungkol sa Benepisyo ng Emergency na Broadband (nasa Ingles ang video).
Higit Pang Video: En español | American Sign Language
Narito na ang Tulong: (nasa Ingles) Magagamit na ngayon ang Pondo para sa Emergency na Broadband para tulungan ang mga kwalipikadong sambahayan sa Amerika na kumonekta sa broadband; malapit na ring makatulong ang Pondo para sa Emergency na Pagkonekta sa mga paaralan at silid-aklatan.
Ang Affordable Connectivity Program ay pinalitan ang Emergency Broadband Benefit sa December 31, 2021. Alamin pa ang tungkol sa Affordable Connectivity Program sa pagbisita sa fcc.gov/ACP.
Tungkol sa Benepisyo ng Emergency na Broadband
Magbibigay ang Benepisyo ng Emergency na Broadband ng diskwentong hanggang $50 kada buwan sa serbisyo ng broadband para sa mga kwalipikadong sambahayan at hanggang $75 kada buwan para sa mga sambahayan sa mga kwalipikadong Pantribung lupain. Maaari ding makatanggap ang mga kwalipikadong sambahayan ng isang beses na diskwento na hanggang $100 para bumili ng laptop, desktop computer, o tablet mula sa mga kalahok na provider kung magdaragdag sila ng mahigit $10 at wala pang $50 sa presyo ng bibilhin.
Ang Benepisyo ng Emergency na Broadband ay limitado sa isang buwanang diskwento sa serbisyo at diskwento sa isang device kada sambahayan.
Sino ang Kwalipikado para sa Programa ng Benepisyo ng Emergency na Broadband?
Kwalipikado ang isang sambahayan kung natutugunan ng miyembro ng sambahayan ang isa sa mga pamantayan sa ibaba:
- Mayroong kita na katumbas ng o mas mababa sa 135% ng Mga Pederal na Alituntunin sa Kahirapan o kalahok sa ilang partikular na programa ng tulong, gaya ng SNAP, Medicaid, o Lifeline;
- Inaprubahang tumanggap ng mga benepisyo sa ilalim ng programa ng libre at mas murang tanghalian sa paaralan o programa ng almusal sa paaralan, kabilang ang sa pamamagitan ng Community Eligibility Provision ng USDA sa taong pampaaralang 2019-2020, 2020-2021 o 2021-2022;
- Tumanggap ng Pederal na Pell Grant sa kasalukuyang taon ng paggawad;
- Nawalan ng malaking kita dahil sa pagkaalis sa trabaho o pagpapahinga sa trabaho simula noong Pebrero 29, 2020 at may kabuuang kita ang sambahayan noong 2020 na o wala pang $99,000 para sa mga single filer at $198,000 para sa mga join filer; o
- Nakatutugon sa mga pamantayan sa pagiging kwalipikado para sa kasalukuyang programa ng mga kalahok na provider para sa mababa ang kita o programa para sa COVID-19.
Kumuha ng Higit Pang Impormasyon sa Consumer
Basahin ang FAQ Tungkol sa Consumer ng Benepisyo ng Emergency na Broadband para sa higit pang impormasyon tungkol sa benepisyo.