Darating ang panahon na kailangan ng bawat magulang na harapin ang hamon ng pagkakaroon ng kanilang anak ng unang cell phone nito. Para sa mga bata, panahon din ito ng pagtanggap ng mga bagong responsibilidad, pagkakaroon ng mga bagong gawi para sa kaligtasan at pagtuklas ng mga bagong teknolohiya.

Maaaring nakaka-stress ito, pero hindi kailangang ganoon. Narito ang ilang suhestiyong maaaring makatulong:

Huwag gumastos nang malaki

Mga bata pa sila, at malaman na mawawala o masisira nila ang kahit anong teleponong makukuha nila. Ang pangunahing layunin ng pagbili ng telepono para sa iyong teen ay para manatiling konektado.

"Iyan ay isang dahilan para bigyan ng telepono ang iyong anak," ayon kay Sascha Sagan, lead mobile analyst para sa PC Magazine (sa English). At iyan ay "kung madalas na wala silang kasamang mga katiwa-tiwalang nakakatanda at maaaring nilang kailanganing makipag-usap sa iyo o ibang tagapangalaga."

Maghanap ng device kung saan nananatili kayong magkakaonekta at kayang magpatakbo ng isang operating system na kakakatanggap pa rin ng mga security update.

Magsaliksik

Napakaraming listahan ng "Pinakamaiinam na Unang Telepono para sa Mga Bata" na available sa pamamagitan ng mga simpleng paghahanap sa web. Magsaliksik ka online, at pagtuunan ang iyong mga priyoridad.

Samantala, makipag-usap sa ibang mga magulang at magkumpara ng kaalaman. Maaari mo ring pag-isipang bumili ng teleponong walang screen (sa English) bilang unang device ng iyong anak.

May mga karagdagang mapagkukunan ng impormasyon para sa mga desisyon ng unang telepono na available sa non-profit na ConnectSafely.org (sa English), kasama ang isang napi-print na Gabay sa Mga Mobile Phone para sa Mga Magulang (PDF) (sa English), na hatid ng CTIA (sa English) at mga malalaking carrier.

Responsableng Pag-aarai

Habang naghahanap ng tamang telepono, maglaan ng panahon para talakayin ang proteksyon -- ng iyong anak at ng kanilang mga device. Matutunan kung paano ito protektahan.

  • Gumawa ng listahan ng mga numero ng telepono ng mga miyembro ng pamiyla, mga kaibigan, paaralan ng iyong anak, at iba pang mga contact na maaasahan mo. Ibahagi ang listahan sa iyong anak at abisuhan silang huwag sagutin ang kanilang telepono maliban kung ang tawag ay mula sa isang kilalang "ligtas" na contact.
  • Tuklasin ang mga opsyon ng iyong phone company para sa pagharang sa mga tawag, at turuan ang iyong anak tungkol sa mga robocall, mga robotext at mga spoofing scam.
  • Talakayin ang mga senyas ng isang scam gaya ng mga recording ng boses, o mga hindi kakilalang humihingi ng impormasyon, at payuhan silang huwag magbigay ng impormasyon sa mga taong hindi mo kilala o pumindot ng anumang mga button sa telepono kung hihilinging gawin ito. Sabihin sa kanila na kung makakatanggap sila ng robocall, dapat nilang ibaba kaagad ang tawag.
  • Pag-isipang magtakda ng mga patakaran tungkol sa pag-donwload ngm ga app, gaya ng paghiling ng pahintulot sa magulang.
  • Pag-usapan kung kailan at saan maaaring gamitin ang telepono at magsaliksik tungkol sa mga setting o app na namamahala sa screentime.
  • Talakayin kung paano protektahan ang telepono ng iyong anak laban sa pagnanak at kung anong gagawin kung mawawala o mananakaw ang telepono.
  • Pag-isipang bumili ng tugmang case (sa English). Pumili ng isa na may drop-tested na matibay na shell, at huwag kalimutan ang isang screen protector (sa English) para makatulong na iwasan ang mga gasgas at lamat.
  • Paalalahanan ang iyong mga anak ang pagkakaroon ng sarili nilang cell phone ay hindi lang isang pribiliheyio pero isang malaking responsibilidad. At ipaalam sa kanila na umaasakang magiging katiwa-tiwala at ligtas sila.

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.