Bago bumiyahe sa ibang bansa, tingnan ang mga pagpapayo sa pagbiyahe mula sa U.S. Department of State (sa English).
Plano mong dalhin ang iyong mobile device sa biyahe sa ibang bansa? Magkakaiba ang mga patakaran at rate sa pag-roam ng bawat carrier at maaaring kumplikado ang ito, kaya maglaan ng oras sa pag-unawa sa mga ito bago ka bumiyahe. Maiiwasan sa pamamagitan ng maagang paghahanda ang mga pagkadismaya, tulad kawalan ng serbisyo o mga hindi inaasahang pagsingil sa iyong susunod na bill.
Bago Ka Bumiyahe
Bago ka bumiyahe, tanungin ang iyong carrier tungkol sa:
- Mga kasunduan sa pag-roam sa ibang bansa sa mga provider ng serbisyo sa bansang pupuntahan mo at kung gagana ang iyong mobile phone doon.
- Magkakaiba ang mga network ng mobile telephone sa bawat bansa, at maaaring hindi tugma ang iyong telepono sa mga network sa bansang pupuntahan mo.
- Maaaring gumana ang telepono mo para sa mga voice call, pero maaaring hindi para sa ibang function – tulad ng text messaging o pagpapadala at pagtanggap ng datos . Makipag-ugnayan sa iyong provider ng mobile na serbisyo para kumpirmahin ito bago ka umalis.
- Mga rate sa pag-roam para sa mga bansang plano mong puntahan. Kung handa kang magbayad ng mga singilin, kumpirmahin sa iyong carrier na naka-activate ang pag-roam sa ibang bansa bago ka bumiyahe.
- Para sa karamihan sa mga customer sa U.S., hindi saklaw ng mga domestikong plano ng serbisyo ang paggamit sa ibang bansa.
- Maaaring mas mataas ang mga rate dahil sa mga karagdagang bayarin sa pag-roam sa mga foreign na mobile network at maaaring magkakaiba ang mga ito sa bawat bansa at network.
- Maaaring malapat ang mas matataas na rate sa lahat ng function ng iyong telepono, kabilang ang mga voice call, voice mail, text message, at access sa internet.
- Tanungin ang iyong provider ng serbisyo tungkol sa lahat ng available na opsyon.
- Paano mo masusubaybayan ang iyong paggamit para hindi ka lumampas sa iyong plano at para hindi ka makakuha ng mga karagdagang singilin habang nasa ibang bansa. Dahil sa mga pagkaantala sa pagpoproseso ng pag-roam sa ibang bansa, maaaring hindi lumabas ang mga singilin sa iyong bill para sa isang karagdagang yugto ng billing pagbalik mo.
Tuklasin ang Mga Opsyon
Bago bumiyahe, isaalang-alang ang iyong mga available na opsyon, kabilang ang:
- I-unlock ang iyong telepono para makagamit ka ng lokal na SIM card. Kung tugma ang mobile phone mo sa mga network sa ibang bansa, makipag-ugnayan sa iyong carrier at hilinging i-unlock ang iyong telepono. Kapag naka-unlock ang telepono, makakagamit ka ng SIM card (isang natatanggal na card sa ilang mobile handset na naglalaman ng datos ng subscriber at numero ng telepono), o ng naka-embed na eSIM na mayroong lokal na numero ng telepono sa bansang pinuntahan mo, na nagbibigay-daan sa iyong handset na maging isang lokal na telepono.
- Magkakaiba ang proseso ng pag-unlock sa bawat device at bawat carrier. Makipag-ugnayan sa iyong carrier para sa mga tagubilin sa pag-unlock sa iyong device. Kung lumagda ang iyong provider ng wireless na serbisyo sa CTIA Consumer Code for Wireless Service (sa English), kinakailangan nitong sumunod sa mga pamantayan ng kodigo.
- Maaari kang bumili ng lokal na SIM card sa United States bago umalis o bumili nito sa isang lokal na mobile provider kapag nakarating ka na sa bansa.
- Alamin kung may naka-embed na SIM card, o eSIM, ang iyong cell phone. Kung oo, maaari kang makapili sa mga available na provider ng serbisyo para sa bansang bibisitahin mo sa pamamagitan ng drop-down menu sa mga setting ng iyong telepono, sa halip na palitan ito ng pisikal na SIM card. Alamiin ang mga bayarin at presyo sa ibang bansa para sa serbisyo bago ka sumang-ayon.
- May ilang modelo ng cell phone na mayroon ng parehong SIM at eSIM card, na nagbibigay sa iyo ng higit pang opsyon kapag bumibiyahe. Tingnan ang iyong manual ng may-ari o ang webstite ng manufacturer ng telepono para malaman ang tungkol sa mga kakayahan ng modelo ng iyong telepono. Tingnan ang aming FAQ para matuto pa tungkol sa SIM at eSIM.
- Magrenta o bumili ng handset. Maaari ka ring magrenta o bumili ng handset para sa bansang bibisitahin mo bago ka umalis o kapag nakarating ka na sa destinasyon mo. Alamin kung saan ka maaaring bumili ng prepaid o pay-as-you go na handset.
- Gumamit ng calling card. Makakatipid ka ng pera sa pamamagitan ng pagbili ng calling card sa United States o pagbili ng card sa ibang bansa at paggamit lang ng mga wireline na telepono.
Maiikling Tip
- Gumamit ng mga Wi-Fi hotspot. Ang paggamit ng Wi-Fi ay hindi ibibilang sa iyong allowance ng data. Maaaring may bayad ang Wi-Fi sa ibang bansa, kaya alamin kung sisingilin ka bago ka mag-browse sa web o bago mo gamitin ang iyong mga app.
- Gumamit ng mga calling app sa pamamagitan ng libreng Wi-Fi. Maaari mong maiwasan o mabawasan ang mga singilin sa voice roaming kung gagamit ka ng mga mobile calling app na gumagana sa pamamagitan ng Voice over Internet Protocol (VoIP) at gamitin ang mga app na ito sa pamamagitan ng libreng Wi-Fi. Tiyakiin sa developer ng app na hindi ka sisingilin para sa mga tawag kapag gumagamit ng libreng Wi-Fi.
- Alamin ang mga panganib sa seguridad kapag ginagamit ang iyong telepono at/o nagta-transmit ng personal na impormasyon sa pamamagitan ng pampublikong wireless na network. Tingnan ang aming gabay ng consumer: Mga Tip sa Mga Wireless na Koneksyon at Seguridad sa Bluetooth.
- I-off ang mga awtomatikong pag-download. May ilang telepono at app na awtomatikong nagda-download ng datos habang naka-pn ang telepono at maaari itong magresulra sa pagkakaroon mo ng mga singilin sa pag-roam. Alamin sa iyong provider o manufacturer ng iyong telepono para malaman kung paano i-disable ang mga pag-download na ito.
- Alamin ang numerong tatawagan sa panahon ng emergency (emergency calling number) sa bansang pinuntahan mo. Kung aasa ka sa mga serbisyo ng VoIP, tandaang madalas na wala ang mga ito ng ilan sa mga feature na pagtawag sa panahon ng emergency na gaya sa isang regular na telepono, alamin din ang mga pagkakaibang ito. Kung mayroon kang naka-install na lokal na SIM card sa iyong mobile phone, maaari mong matawagan ang lokal na numerong tatawagan sa panahon ng emergency. Halimbawa, sa ilang bansang miyembro ng European Union, dapat na mayroong SIM card ang iyong mobile phone upang makatawag ka sa 112-na numero sa panahon ng emergency (sa English).
- Tawagan ang wireline number. Kung mayroon ka ng opsyon na makaugnayan ang isang tao sa bansang pupuntahan mo sa pamamagitan ng wireline o mobile number, tawagan ang wireline. Malamang na mas mura ito.
- Bago ka umalis sa U.S., alamin ang mga tagubilin sa pag-dial para sa bansang plano mong puntaha. Kapag gumagamit ng karamihan sa mga mobile phone, makakatawag ka sa United States o ibang bansa habang bumibiyahe sa ibang bansa sa pamamagitan ng pag-dial sa:
- Plus na sign +
- Sa country code (sa English) ng bansang tatawgan mo
- City/area code (kung naaangkopS)
- Ang numero ng telepono
- Aralin kung paano mag-dial ng mga lokal na numero sa bansang pupuntahan mo. Bisitahin ang HowtoCallAbroad.com (sa English) para malaman kung kailangan mong mag-dial ng trunk prefix bago ang area code kapag magsasagawa ng mga domestikong pagtawag sa bansang iyon.
Makipag-ugnayan sa Mga Service Provider
Kasama sa seksyong ito ang ilang piling service provider na magkakaiba ang uri. Hindi nilalayong maging isang kumpletong listahan ito ng lahat na provider. Wala sa FCC o sa Pamahalaan ng U.S. ang nag-eendorso sa mga produkto o serbisyo ng alinmang provider sa pamamagitan ng pagsama nito sa listahang ito.
1Global: https://www.1global.com/global-connectivity
AT&T: 1-800-331-0500 (kapag tumatawag mula sa ibang bansa: 1-916-843-4685); https://www.att.com/offers/international-plans.html (nasa wikang Ingles ang web page) ; https://www.att.com/offers/international.html (nasa wikang Ingles ang web page)
Skype: https://www.skype.com/en/ (nasa wikang Ingles ang web page)
T-Mobile: 1-877-453-1304 (kapag tumatawag mula sa ibang bansa: 1-505-998-3793) https://www.t-mobile.com/travel-abroad-with-simple-global (nasa wikang Ingles ang web page)
US Cellular: 1-888-944-9400; http://www.uscellular.com/services/international/long-distance-cell-phone-plans/index.html (nasa wikang Ingles ang web page
Verizon Wireless: 1-800-922-0204 (or dial *611 from your mobile phone); https://www.verizonwireless.com/solutions-and-services/international/ (nasa wikang Ingles ang web page)
Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format
Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."
Help Center ng Consumer
Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)
Maghain ng Reklamo sa FCC
Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.