Nauugnay na Impormasyon
- Gabay ng Consumer: Pandaraya sa Cell Phone
- Gabay ng Consumer: Pag-roam sa Ibang Bansa
- Pinupuntirya ng Port-Out Fraud ang Iyong Mga Pribadong Account
Ano ang isang SIM card?
SIM ang pinaikling tawag sa Subscriber Identity Module, isang natatanging identifier sa loob ng bawat cellular device na nagbibigay-daan sa mga provider ng wireless na serbisyo na malaman ang nakatalagang numero ng telepono ng user. Itinatago ng SIM card ang iyong personal na datos at maaari itong matanggal, depende sa device.
Sa paglipas ng panahon, nagbago na ang teknolohiya ng SIM card, na nagresulta sa mas maliit na micro- at nano-sized card na nagbigay ng mas maraming espasyo sa mobile phone para mapalaki ng mga manufacturer ang laki ng battery o makapagdagdag ng iba pang feature. Sa kagustuhang mapaliit ang espasyong ginagamit ng mga SIM card, binuo ang mga eSIM.
Ano ang isang eSIM card?
Nangangahulugan ang “e” sa eSIM na embedded o naka-embed. Naka-hardwire sa mismong telepono ang isang eSIM card. Dahil sa mga advantage nito, papalitan ng mga eSIM card ang mga nano card sa mga mas bagong modelo ng cell phone.
Posible bang mayroon ang telepono ko ng parehong SIM at eSIM card?
Ang ilang cell phone ay posibleng may parehong natatanggal na SIM card at eSIM card, na nagbibigay-daan sa mga customer na magkaroon ng dalawang magkaibang numero – tulad ng personal na numero at numero sa trabaho – sa iisang device. Ang dual SIM na feature ay suportado sa malawak na hanay ng mga mobile phone at kasalukuayng iniaalok ito ng maraming provider ng wireless na serbisyo.
Pinapatibay ba ng pagkakaroon ng eSIM card ang seguridad ng datos ko?
Oo, mayroong ilang mahalagang benepisyo sa seguridad. Hindi mananakaw ang isang eSIM card nang hindi ninanakaw ang telepono. Sa kabilang banda, kung minsan ay nananakaw ang mga natatanggal na SIM card, at ginagamit ang mga ito sa mga port out scam. Sa ganitong paraan, inililipat, sa pamamagitan ng panlilinlang, ng mga magnanakaw ng pagkakakilanlan ang mga nakaw na SIM card sa ibang mga telepono para magkaroon sila ng access sa mga tawag at text message ng biktima. Pagkatapos nito, maaaring subukan ng mga magnanakaw na i-reset ang mga kredensyal at magkaroon ng access sa mga financial at social media account ng biktima.
Para sa higit pang impormasyon sa pagpapalit ng SIM, mga port out scam, pag-clone ng cell phone, at pandaraya ng subscriber, puntahan ang aming gabay ng consumer sa pandaraya sa cell phone.
Ano ang dapat malaman ng mga consumer kapag magpapalit o mag-a-upgrade sila ng cell phone?
Kapag oras na para palitan ang iyong cell phone o para mag-upgrade sa bagong modelo, tingnan kung ang iyong lumang telepono ay mayroong pisikal na SIM card, gumagamit ng eSIM, o pareho. Kung ang device na papalitan mo ay gumagamit ng eSIM, burahin ang lahat ng datos sa eSIM card bago ito itapon o bago i-recycle ang device. Makipag-ugnayan sa manufacturer at sa iyong provider ng serbisyo para sa mga tagubilin kung paano ang wastong pagbubura sa datos. Kung may pisikal na SIM card ang luma mong telepono, dapat mo itong alisin. Maaari mo itong itago sa ligtas na lugar bilang backup o sirain upang walang panganib ng pagkakanakaw sa laman nitong datos.
Ano ang ilan pang advantage ng mga eSIM card?
- Mas madaling magpalit ng mga provider ng serbisyo nang ginagamit pa rin ang parehong telepono. Ang mga consumer na may mga naka-unlock na device at gustong magpalit ng mga provider ay hindi na kailangang pisikal na palitan ang kanilang SIM card. Sa halip, muling mapo-program upang mapagana ng bagong provider ang mga eSIM card sa pamamagitan ng mga setting ng device.
- Kapag naglalakbay sa ibang bansa, sa halip na palitan ang kanilang SIM card ng SIM card na mula sa isang lokal na provider, maaaring pumili ang isang consumer sa mga available na opsyon para sa bansa o mga bansang plano nilang bisitahin, isang feature na ine-enable ng mga kakayahan ng eSIM ng kanilang mga telepono, o sa ilang pagkakataon ay sa pamamagitan ng drop-down na menu sa mga setting ng kanilang telepono. May ilang manufacturer ng telepono na nag-aalok ng mga tagubilin sa paggamit sa mga plan mula sa dalawang magkaibang provider kapag gumagamit ng eSIM at ng tradisyunal na SIM card. Tumingin ng higit pang tip sa consumer ng FCC para sa paggamit sa iyong cell phone sa pagbiyahe sa ibang bansa.
- Ang pagtatanggal o pagpapalit ng mga pisikal na SIM card ay nangangailangan ng maliit na gamit o paperclip para ma-unlock ang compartment na kinalalagyan ng card sa loob ng telepono. Sa eSIM, hindi kailangang mag-access ng pisikal na card, kaya walang kailangang gamit.
Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format
Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."
Help Center ng Consumer
Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)
Maghain ng Reklamo sa FCC
Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.