U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

SSL

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

Ang mga advanced na serbisyo at kagamitan sa mga komunikasyon, gaya ng mga computer, tablet, at mobile phone, ay kinakailangang naa-access at nagagamit ng mga indibidwal na may mga kapansanan sa ilalim ng Batas sa Pagiging Naa-access ng Mga Komunikasyon at Video sa Ikadalawampu’t Isang Siglo (Twenty-First Century Communications and Video Accessibility Act). Ang mga panuntunan ng FCC na nagpapatupad sa kinakailangang ito ay nalalapat sa mga advanced na serbisyo at kagamitan sa komunikasyon - kabilang ang mga Internet browser sa mga mobile phone - na ipinakilala sa merkado o na-upgrade noong Oktubre 8, 2013 o pagkalipas nito

Upang maituring na naa-access, dapat ay nahahanap, natutukoy, at napapagana ng mga indibidwal na may iba’t ibang kakayahan ang mga pangunahing function ng produkto o serbisyo, at mayroon dapat naa-access na output o display ang lahat ng kinakailangang impormasyon upang mapagana at magamit ang produkto o serbisyo.

Upang masabing nagagamit, dapat ay napag-aaralan ng mga indibidwal na may mga kapansanan ang tungkol sa mga feature ng produkto o serbisyo at napapagana nila ito, at naa-access dapat nila ang impormasyon at dokumentasyon ng produkto o serbisyo, kabilang ang mga tagubilin at mga gabay para sa user. Bukod pa rito, dapat magbigay ang mga kumpanya ng access sa mga serbisyo ng suporta, gaya ng mga hotline at database ng teknikal na suporta, call center, center ng serbisyo, serbisyo ng pagkukumpuni, at serbisyo ng billing.

Ano ang mga advanced na serbisyo sa mga komunikasyon?

Kasama sa mga advanced na serbisyo sa mga komunikasyon ang:

  • Serbisyo ng interconnected na voice over Internet protocol, gaya ng serbisyo ng telepono sa tahanan na mula sa provider ng serbisyo ng Internet
  • Serbisyo ng hindi interconnected na VoIP, gaya ng paggamit ng computer upang makibahagi sa voice communication sa pamamagitan ng Internet
  • Serbisyo ng elektronikong pagmemensahe, gaya ng text na pagmemensahe, instant na pagmemensahe, o email
  • Mga serbisyo ng interoperable na video conferencing

Anong kagamitan ang ginagamit para sa mga advanced na serbisyo sa mga komunikasyon?

Kasama sa kagamitang sinasaklaw ng mga panuntunang ito ang mga computer, laptop, tablet, at mobile phone na ginagamit para sa text na pagmemensahe, instant na pagmemensahe, at email, at anumang iba pang uri ng device na ginagamit para sa mga advanced na serbisyo sa mga komunikasyon.

Ano ang mga obligasyon ng mga manufacturer ng kagamitan at provider ng serbisyo?

  • Kung posible, dapat tiyakin ng mga manufacturer na may access ang mga taong may mga kapansanan sa ginagawa nilang hardware, pati na rin sa mga bahagi ng software na ibinibigay nila, gaya ng operating system, user interface, mga application, at Internet browser. Nalalapat din ang mga obligasyon sa anumang pag-upgrade na ginagamit para sa mga advanced na serbisyo sa mga komunikasyon.
  • May responsibilidad ang mga provider na gawing naa-access ang kanilang mga advanced na serbisyo sa mga komunikasyon, kabilang ang hardware o mga application ng software na ibinibigay nila.
  • Maaaring maglagay ang mga manufacturer ng feature na pagiging naa-access sa kanilang mga produkto -- at ang mga provider sa kanilang mga serbisyo -- o maaari silang umasa sa iba pang kumpanya o entity na gumawa ng mga solusyon at gawing available ang mga ito sa mga consumer sa maliit na halaga.
  • Kapag hindi posibleng maging naa-access, dapat ay gawing compatible ng mga manufacturer at provider ang kanilang kagamitan at mga serbisyo sa iba pang device sa pagiging naa-access o espesyal na ginawang kagamitan, gaya ng mga nare-refresh na display ng Braille, visual signaling device, at magnifier, maliban kung hindi posible ang naturang pagiging compatible.
  • Hindi kinakailangan ng mga manufacturer at provider na gawing naa-access ang bawat feature at function ng bawat device o serbisyo para sa bawat kapansanan. Maaari silang mag-alok ng mga produkto at serbisyong may iba’t ibang function, feature, at presyo na naa-access ng lahat ng consumer na may iba’t ibang uri ng mga kapansanan.
  • Hindi dapat alisin o hadlangan ng mga provider ang paglilipat ng impormasyon o data ng pagiging naa-access, gaya ng mga tag at kontrol sa pag-navigate para sa mga teknolohiya ng screen reader na kasama ng content.

Ano ang mga kinakailangan sa pagiging naa-access para sa mga Internet browser?

Naa-access at nagagamit dapat ng mga indibidwal na may mga kapansanan ang mga Internet browser na na-install ng mga manufacturer sa kagamitan para sa mga advanced na serbisyo sa mga komunikasyon, maliban na lang kung hindi ito posible. May ganito ring obligasyon ang mga provider ng advanced na serbisyo sa mga komunikasyon kung maghahatid o mangangailangan ang mga ito ng pag-install at paggamit ng Internet browser bilang pinagmumulang bahagi ng kanilang serbisyo.

Ano ang mga hindi kasama sa mga panuntunang ito sa pagiging naa-access?

Ang kagamitan para sa mga advanced na serbisyo sa mga komunikasyon na naka-customize para sa mga natatanging pangangailangan ng partikular na negosyo, at hindi direktang iniaalok sa publiko, ay hindi kasama sa mga kinakailangan sa pagiging naa-access ng FCC.

Maaaring ipawalang-bisa ng FCC ang mga kinakailangan sa pagiging naa-access para sa kagamitan o mga serbisyong idinisenyo para sa maraming layunin, ngunit pangunahing idinisenyo para sa mga layuning bukod sa paggamit ng mga advanced na serbisyo sa mga komunikasyon. Sa ilalim ng probisyong ito, nagbigay ang FCC ng waiver para sa software ng video game hanggang Enero 2017. Bukod pa rito, ipinawalang-bisa ng FCC ang mga kinakailangan sa pagiging naa-access ng advanced na komunikasyon para sa mga basic na e-reader.

Napapailalim ba sa iba pang kinakailangan sa pagiging naa-access ang mga device na para sa maraming layunin?

Oo. Dapat ding sundin ng kagamitan sa mga advanced na serbisyo sa mga komunikasyon ang iba pang kinakailangan sa pagiging naa-access, kabilang ang mga sumusunod:

  • Access sa Mga Telekomunikasyon. Ang mga panuntunan ng FCC na tumutugon sa mga kinakailangan sa pagiging naa-access ng mga produkto ng telekomunikasyon, serbisyo, at kaugnay na kagamitan ay makikita sa gabay para consumer ng Access sa Mga Telekomunikasyon ng Mga Taong may Mga Kapansanan.
  • Mga Internet Browser. Naa-access at nagagamit dapat ng mga indibidwal na bulag o may kapansanan sa paningin ang mga Internet browser sa mga mobile phone.
  • Paglalagay ng Closed Caption. Dapat ay maaaring magpakita ng mga closed caption ang kagamitang sumasagap, nagpe-play, o nag-record ng video na programa, kabilang ang mga mobile device. May impormasyon tungkol sa mga kinakailangang ito ang gabay para sa consumer ng Mga Kinakailangan sa Closed Captioning Display para sa Kagamitan ng FCC.

Para sa higit pang impormasyon

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga programa ng FCC na nagsusulong sa pagiging naa-access para sa mga taong may mga kapansanan, bisitahin ang website ng Disability Rights Office (sa wikang Ingles) ng FCC.

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.