U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

SSL

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

Ang cellular fraud ay ang hindi pinahihintulutang paggamit, pakikialam o manipulasyon ng isang cellular phone o serbisyo.  Kasama sa mga uri ng cellular fraud ang SIM swapping, cloning at subscriber fraud.

Ano ang SIM Swapping o isang Port-Out Scam

Ang numero ng iyong mobile phone ay maaaring susi sa pinakamahahalaga mong financial account.  Karaniwang gumagamit ang mga bangko, negosyo at payment service ng mga text message para kumpirmahin ang iyong pagkakakilanlan kapag humihiling ka ng mga update sa iyong account.

Kapag naghain ang mga scammer ng isang kahilingang mag-port, niloloko nila ang mobile phone company ng biktima para maniwala itong nanggagaling ang kahilingan sa pinahihintulutang may-ari ng account.  Kung magtatagumpay ang scam, mapo-port ang numero ng telepono patungo sa isang mobile device na kontrolado ng scammer.

Ang isa pang paraan para gawin ang scam na ito ay pisikal na nakawin ang SIM card ng biktima, isang removable device sa ilang mobile phone na naglalaman ng isang natatanging ID at nagtataglay sa personal na data ng consumer. Magagamit ng scammer ang ninakaw na SIM card sa sarili nilang mobile device.

Sa dalawang pagkakataong ito, makokontrol ng scammer ang mga pribadong text at tawag ng biktima, at maaari nilang subukang i-reset ang mga kredensyal para sa mga financial data at social media account ng biktima.  Kung magtatagumpay ito, mauubos ng scammer ang mga bank account ng biktima o mabebenta o mapapatubos nila ang social media data nito.

Matuto pa tungkol sa sa scam na ito at kung paano protektahan ang iyong sarili.

Posibleng Bawasan ng eSIM ang Panganib ng Pagpapalit ng SIM

Pinalitan ng mga naka-embed na SIM – mga eSIM card sa madaling sabi – ang mga tradisyunal na SIM card sa mga mas bagong modelo ng cell phone. Mas maliit at naka-hardwire sa loob ng telepono ang mga eSIM card, kaya hindi natatanggal ang mga ito, na nag-aalis sa ilang panganib sa seguridad ng pisikal na pagpapalit ng SIM. Gayunpaman, port-out scams remain a security concern.

Dagdag pa rito, dapat burahin ng mga consumer ang datos ng kanilang eSIM data kapag papalitan nila ang kanilang mga telepono. Matuto pa sa aming FAQ ng consumer ng eSIM.

Ano ang cell phone SIM cloning fraud?

Ang bawat cell phone ay may taglay na natatanging electronic serial number (ESN) at isang mobile identification number (MIN) na itinatakda sa pabrika.  Ang isang na-clone na cell phone ay na-reprogram para i-transmit ang ESN at MIN ng ibang cell phone.  Ang mga scammer ay maaaring magnakaw ng mga kumbinasyon ng ESN/MIN sa pamamagitan ng ilegal na pag-monitor sa mga transmission ng radio wave mula sa mga cell phone ng mga lehitimong subscriber.  Pagkatapos mag-clone, ang lehitimo at pekeng cell phone ay magkakaroon ng parehong kumbinasyon ng ESN/MIN at hindi matutukoy ng mga cellular provider ang pagkakaiba ng na-clone na cell phone sa lehitimong telepono.  Pagkatapos ay mapapalaki ng mga scammer ang mga singil dito at ang may-ari ng lehitimong telepono ang masisingil para sa mga tawag ng na-clone na telepono.  Alertuhan ang iyong service provider kung makakakita ka ng mga hindi pinahihintulutang tawag o singil sa iyong account.

Ano ang subscriber fraud?

Nagkakaroon ng subscriber fraud kapag nagsa-sign up ang scammer para sa cellular service gamit ang mga impormasyon ng customer na nakuha sa mapanlokong paraan o pekeng pagkakakilanlan.  Makukuha ng mga kriminal ang iyong personal na impormasyon at magagamit nila ito para mag-set up ng cell phone account sa iyong ngalan.  Maaaring magtagal bago matuklasang nagkaroon ng subscriber fraud, at mas mahaba pang panahon para mapatunayan mong hindi ikaw ang nagkaroon ng mga utang.  Milyun-milyong dolyar ang nawawala kada taon dahil sa subscriber fraud.

Kung sa tingin mo ay naging biktima ka ng subscriber fraud:

  • Makipag-ugnayan sa mga lokal na alagad ng batas at maghanain ng police report.  Maaari ka ring maghain ng identity theft report sa FTC (sa English).
  • Ipaalam ito sa kasalukuyan mong service provider pati sa service provider para sa mapanlokong account.
  • Maghain ng fraud alert sa alinman sa tatlong malalaking credit reporting bureau -- Equifax, Experian, o TransUnion.  Ibabahagi ng aabisuhan mo ang alerto sa natitirang dalawa.

Patuloy na subaybayan ang iyong credit report sa bawat credit bureau nang kahit isang beses kada taon.  Pag-isipang tumingin sa ibang credit bureau report kada apat na buwan nang libre sa annualcreditreport.com (sa English).

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.