U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

SSL

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

Binalaan ang Mga Provider

Ipinag-utos ng FCC at FTC sa mga gateway service provider na gawin ang kanilang parte para pigilan ang mga nauugnay sa virus na scam na robocall dahil kung hindi ay may kakaharapin silang matinding parusa. Matuto pa (sa English).

Impormasyong para sa Consumer

Ang Gabay sa Consumer para sa COVID-19 ay may impormasyon tungkol sa mga scam kaugnay ng coronavirus at paano ka makakaiwas na mabiktima, at mga kapaki-pakinabang na tip sa kalinisan ng cell phone at pag-optimize sa iyong home wireless network, at higit pa.

  Sample na Text ng Scam


Balita tungkol sa IRS COVID-19:
 
I-click ang xxx.xxx/IRS-COVID-19 para irehistro/i-update ang iyong impormasyon para matanggap ang bayad para sa epekto anuman ang iyong status.
 
 
 
 
 

 

Puwedeng gamitin ng mga scammer ang mga link sa mga text message para mag-install ng mga nakakapinsalang code sa iyong telepono o maglunsad ng pekeng webpage para mangolekta ng personal, health insurance, o pinansyal na impormasyon para magamit sa iba pang scam. Nag-aalok ang mga scam sa text message kaugnay ng COVID-19, ng mga babala tungkol sa pangangailangan ng test, o “mga espesyal na alok.” Huwag mag-click sa mga link sa mga text na nauugnay sa virus, at suriin ang cdc.gov/coronavirus (sa English) para sa pinakabagong impormasyon.

Nagpapanggap na mga ahensya ng pamahalaan ang ilang scam sa text. Nalaman ng FCC ang isang scam na text na nagsasaad na mula sa "FCC Financial Care Center" at nag-aalok ng $30,000 tulong para sa COVID-19. Walang programa ang FCC na nagbibigay ng mga pondo ng ayuda sa mga consumer. Malamang na pagsubok ang text ng phishing para makakuha ng impormasyon sa bangko o iba pang personal na impormasyon mula sa mga biktima nito.

Nagbababala ang Better Business Bureau (sa English) ng scam sa text message na nagpapanggap bilang U.S. Department of Health and Human Services. Sinabihan ang mga recipient na sumailalim sa "mandatory na online na COVID-19 test" gamit ang ibinigay na link.

Nagsisimula ang isa pang nagpapanggap na pamahalaan sa "Balita sa IRS COVID-19" at may kasama itong link at mga tagubilin para sa mga recipient "para irehistro/i-update ang iyong impormasyon para matanggap ang bayad sa epekto sa ekonomiya anuman ang iyong status." Tumuturo ang link sa isang website na idinisenyo para maging kamukha ng sa IRS at hihingi ng nakakapagpakilalang impormasyon, kasama ang petsa ng kapanganakan, numero ng social security at status ng paghahain. Panghuli, humihingi ito ng numero ng debit o credit card para "i-verify ang iyong pagkakakilanlan."

Nalaman din ng FCC ang iba pang pekeng alok sa consumer gamit ang coronavirus, gaya ng alok sa text scam na nag-aalok ng limang buwang libreng serbisyo ng Netflix. Kung nakatanggap ka ng kahina-hinalang text na mula sa Netflix, may web page ang kumpanya na may mga tagubilin kung ano ang gagawin (sa English).

Kung sa tingin mo ay naging biktima ka ng spam kaugnay ng coronavirus, makipag-ugnayan agad sa tagapagpatupad ng batas.

Inaalok ng FCC ang mga sumusunod na tip para matulungan kang maprotektahan ang iyong sarili laban sa mga scam, kabilang ang mga scam kaugnay ng coronavirus:

  • Huwag sagutin ang mga tawag o text mula sa mga hindi kilalang numero, o sinumang iba pang mukhang kahina-hinala.
  • Huwag kailanman ibahagi ang iyong personal na impormasyon o impormasyon sa pananalapi sa pamamagitan ng email, text message, o sa telepono.
  • Mag-ingat kung pinipilit kang agad na magbigay ng anumang impormasyon o magbayad.
  • Madalas na ginagawa ng mga scammer na mag-spoof ng mga numero ng telepono para linlangin ka sa pagsagot at pagtugon.  Tandaang hindi ka tatawagan kailanman ng mga ahensya ng pamahalaan para manghingi ng personal na impormasyon o pera.
  • Huwag i-click ang anumang mga link sa isang text message. Kung pinadalhan ka ng isang kaibigan ng isang text na may kahina-hinalang link na mukhang hindi galing sa kanya, tawagan sila para tiyaking hindi sila na-hack.
  • Palaging suriin ang isang charity (halimbawa, sa pamamagitan ng pagtawag o pagtingin sa mismong website nito) bago magbigay ng donasyon. (Matuto pa tungkol sa mga scam sa charity.)

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga scam na tawag at text, bisitahin ang Help Center para sa Consumer ng FCC (sa English) at Glossary ng Scam mula sa FCC (sa English). Puwede ka ring maghain ng reklamo tungkol sa mga naturang scam sa fcc.gov/complaints (sa English).

Updated:
Tuesday, July 21, 2020