Mahalagang panatilihing ligtas ang ating mga anak kapag online sila at gumagamit ng iba pang media. Nasa ibaba ang mga mapagkukunang nagbibigay sa iyo ng impormasyon tungkol sa pag-block ng hindi kanais-nais na impormasyon sa mga wireless device, hindi nakatuong pagmamaneho, at mga sitwasyon ng emergency – gaya ng mga Amber Alert at ng pambansang System ng Alerto sa Emergency – gayundin ng higit pang impormasyon tungkol sa kaligtasan online.
I-block ang Hindi Kanais-nais na Content sa Mga Wireless na Telepono/Device
- Mapoprotektahan mo ang iyong mga anak sa pamamagitan ng pag-block ng hindi kanais-nais na content sa kanilang mga cell phone at iba pang mobile device. Alamin kung paano.
Kung Magkaroon ng Emergency
- Angmga AMBER Alert, na bahagi ng System ng Alerto sa Emergency, ay tumutulong sa pagsagip ng mga bata sa karamihan ng matitinding kaso ng pangunguha ng bata.
- System ng Alerto sa Emergency (Emergency Alert System) (sa Ingles) - Ang EAS ay ang pambansang system sa pagbibigay ng babala sa publiko na nagbibigay-daan sa Pangulo na gamitin ang lahat ng uri ng komunikasyon – kabilang ang TV, radyo, cable, satellite, at iba pa – upang magbigay ng talumpati sa mga mamamayang Amerikano sa panahon ng pambansang emergency.
- Mga Wireless na Alerto sa Emergency (Wireless Emergency Alerts) - Ang WEA ay isang system para sa kaligtasan ng publiko na nagbibigay-daan sa mga customer na may mga partikular na wireless na telepono at iba pang naka-enable na mobile device na makatanggap ng mga nakaayon sa heograpiya na mensaheng parang text na nag-aalerto sa mga tao hinggil sa nakaambang panganib sa kanilang lugar.
- Makipag-ugnayan sa Iyong Pamilya sa Panahon ng Mga Emergency - Nagbibigay ang FCC at FEMA ng mga tip sa pakikipag-ugnayan sa panahon ng emergency.
Hindi Nakatuong Pagmamaneho – Huwag Mag-text at Magmaneho
- Ayon sa AAA, halos 50 porsyento ng mga teenager ang umaming nagte-text sila habang nagmamaneho. Tandaan - wala dapat mag-text at magmaneho nang sabay. Maging halimbawa para sa iyong mga anak at kung kailangan mong mag-text o makipag-usap sa telepono, huminto muna sa isang ligtas na lugar. Matuto pa kung paano kakausapin ang iyong anak na teenager tungkol sa ligtas na pagmamaneho.
Higit Pa tungkol sa Kaligtasan Online
- Para sa higit pang impormasyon tungkol sa kaligtasan online, tingnan ang mga libreng online na tip at mapagkukunan para sa seguridad ng Federal Trade Commission, at ibahagi ang mga ito sa iyong mga kaibigan, kapamilya, katrabaho, at sa komunidad: OnGuardOnline (sa Ingles)
Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format
Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."
Help Center ng Consumer
Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)
Maghain ng Reklamo sa FCC
Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.