Protektahan ang Iyong Smart Phone

Kaugnay na content:

Sa pagdating sa campus ng maraming mag-aaral sa kolehiyo sa buong bansa para sa semestre ng taglagas, maaari nilang ituring ang kanilang mga smartphone bilang kanilang pinakamahahalagang personal na gamit.  Gayunpaman, para sa ilan, maaari ring maging mga mapanganib na distraksyon ang mga device.

Sa isang pag-aaral noong 2018 na inilimbag ng National Institutes of Health (sa English), iniulat ng isang propesor ng sikolohiya sa University of Alabama at ng mga kapwa mananaliksik na higit sa isang-katlo ng mga inobserbahang pedestrian sa urban na campus ng kolehiyo ang tumatawid sa kalye habang abala “halos palagi sa paggamit ng mga handheld na mobile device.”

Gamit ang isang virtual reality na kapaligiran ng pedestrian, napag-alaman ng mga mananaliksik na "ang mga mag-aaral sa kolehiyo na abala sa pag-text o pakikinig sa musika ay mas malamang na mabangga ng kotse habang tumatawid sa kalye kaysa sa kanilang mga kasamahang hindi naaabala ng distraksyon."

Itinuring ang gawin na "hindi lang isang mahalagang isyu sa buong bansa, ngunit maaari ring nagiging mas madalas at/o mas karaniwan ang ganitong isyu sa mga sitwasyong kinauugnayan ng pedestrian kung saan mas marami ang mga young adult, tulad ng mga campus ng kolehiyo.” (Basahin ang buong abstract (sa English).)

Ang mga naturang alalahanin sa kaligtasan ay ang nag-udyok sa mga lokal na mambabatas na magpasa ng o isaalang-alang ang kanilang sariling mga batas sa abalang paglalakad sa ilang estado, kabilang ang Connecticut (sa English),  Hawaii (sa English), at New York (sa English).

Nag-aalok ang National Safety Council (sa English) ng mga tip sa kaligtasan para maiwasan ang mga panganib sa paglalakad habang abala:

  • Huwag kailanman maglalakad habang nagte-text o habang may kausap sa iyong telepono.
  • Kung nagte-text, tumabi sa dinaraanan ng ibang tao at huminto sa sidewalk
  • Huwag kailanman tatawid sa kalye habang gumagamit ng electronic na device
  • Huwag maglalakad nang may suot na headphones
  • Maging alisto sa iyong paligid
  • Kung mayroong sidewalk, dito palaging maglakad. Kung kailangan mong maglakad sa kalye, humarap nang pasalubong sa trapiko
  • Tumingin sa kaliwa, sa kanan, at sa kaliwa ulit bago tumawid sa kalye
  • Sa mga tawiran lang tumawid

 

 

   

 

 

Updated:
Monday, August 19, 2019