Binalaan ang Mga Provider

Ipinag-utos ng FCC at FTC sa mga gateway service provider na gawin ang kanilang parte para pigilan ang mga nauugnay sa virus na scam na robocall dahil kung hindi ay may kakaharapin silang matinding parusa. Matuto pa (sa English).

Impormasyong para sa Consumer

Ang Gabay sa Consumer para sa COVID-19 ay may impormasyon tungkol sa mga scam kaugnay ng coronavirus at paano ka makakaiwas na mabiktima, at mga kapaki-pakinabang na tip sa kalinisan ng cell phone at pag-optimize sa iyong home wireless network, at higit pa.

Mga Sample na Audio ng Scam Kaugnay ng Coronavirus

Scam sa Telepono Kaugnay ng Test Kit

Transcript ng audio

...[Dahil sa Coronavirus] Response Act, agad na naging mas accessible ang testing para sa coronavirus. Kung gusto mong makatanggap ng libreng testing kit na maide-deliver kaagad kinabukasan sa iyong bahay, pindutin ang 1. Kung hindi mo gusto ng libreng testing, pindutin ang 2. (Pinagmulan ng audio: YouMail)

Scam na Callback para sa Student Loan

Transcript ng audio

Kumusta, ako si Brad ... may mahalaga akong mensahe patungkol sa mga epekto ng outbreak ng coronavirus sa iyong mga student loan. Malamang na narinig mo na, ginamit na ng Pangulong Trump ang kanyang kapangyarihan bilang commander-in-chief sa pamamagitan ng pagdedeklara ng pambansang emergency dahil sa napakalaking epekto ng COVID-19. Makakasama sa mga bagong panukalang batas ang hindi paniningil ng interes sa iyong mga federal student loan hanggang sa mag-abiso sa hinaharap. Sa panahong ito, patuloy na nagtatrabaho sa aming tanggapan ang lahat ng staff sa lahat ng antas at patuloy na gagawin ito hanggang sa mag-abiso sa hinaharap. Para sa higit pang impormasyon sa kung paano maaapektuhan ng mga bagong panukalang batas na ito ang iyong mga obligasyon sa pagbabayad sa hinaharap, tawagan kami ngayon sa 855-264-XXXX bago ang 6:00 PM Pacific Standard Time. Salamat, at magandang araw (Pinagmulan ng audio: Nomorobo)

Scam para sa Social Security

Transcript ng audio

Kumusta, ang tawag na ito ay mula sa Social Security Administration. Sa mga nakakapanghamong oras na ito dahil sa coronavirus, ikinalulungkot kong ipaalam sa iyo na nakatanggap kami ng utos para suspindihin agad ang iyong socials sa loob ng 24 na oras dahil sa mga kahina-hinala at mapanlinlang na aktibidad na nakita sa iyong socials. Nakikipag-ugnayan kami sa iyo dahil mahalaga ang kasong ito at kailangan ng iyong agarang pansin. Para makakuha ng higit pang impormasyon tungkol sa kasong ito, mangyaring tumawag agad sa numero ng aming departmento na 888-991-XXXX. Inuulit ko, 888-991-XXXX. (Pinagmulan ng audio: Nomorobo)

Scam sa Delivery

Transcript ng audio

Minamahal na customer: Dahil sa outbreak ng coronavirus, nagde-deliver kami ng naparakaming iba’t ibang sanitizer, handwash, toilet paper, at face mask sa bahay mo mismo para maprotektahan ka at ang iyong pamilya mula sa coronavirus. Hindi mo na kailangang pumunta ng mga tindahan. Matanggap ang delivery sa loob ng 24 na oras. Para mag-order, pindutin ang 1. Para sa higit pang kaalaman at tip na pangkaligtasan tungkol sa coronavirus, pindutin ang 2. (Pinagmulan ng audio: Nomorobo)

Scam na Test Kit para sa Diabetic

Transcript ng audio

Kung diabetic ka at gumagamit ng insulin, puwede ka naming isama sa tatanggap ng libreng diabetic monitor at complimentary na testing kit para sa coronavirus. Para matuto pa, pakipindot ang 1, kung hindi, pakipindot ang 2. (Pinagmulan ng audio: YouMail)

Scam sa Work From Home

Transcript ng audio

Kumusta, isa itong paanyaya para magtrabaho sa Amazon mula sa bahay at kumita ng hanggang $400 sa isang araw. Nagsimula na ang open enrollment para sa Amazon associate program. Nagbibigay-daan sa iyo ang programang makipagsosyo sa Amazon at makasabay sa tagumpay nito, bilang isang referral partner. Kwalipikado ang lahat ng mahigit 18 taong gulang. Hindi kailangang may karanasan sa sales o technical. Magtrabaho sa bahay. Ikaw ang magtatakda ng sarili mong iskedyul. Para matuto pa tungkol sa pakikipagsosyo sa Amazon, tumawag sa Amazon hotline sa 360-203-XXXX. Limitado ang mga espasyo kaya tumawag na, 360-203-XXXX, iyon ay 360-203-XXXX. Salamat. (Pinagmulan ng audio: Nomorobo)

Dahil patuloy na naaapektuhan ng pandemya ng COVID-19 ang Estados Unidos, sinunggaban ng mga scammer sa telepono ang pagkakataon, gamit ang mga robocall scam at scam na callback para mag-alok ng mga libreng home testing kit, mag-promote ng mga pekeng lunas, magbenta ng health insurance, (sa English) at mangako ng tulong pinansyal.

Noong Marso, naglabas ang World Health Organization (sa English) ng babala tungkol sa mga kriminal na nagnanais na samantalahin ang pandemya para makapagnakaw ng pera o ng sensitibong personal na impormasyon. Inuudyok ng babala na maging alerto ang mga tao sa mga tawag sa telepono at text message na nagsasabing mula sila sa WHO, at humihingi ng impormasyon ng account o ng pera.

Nakatanggap din ng mga ulat tungkol sa mga robocall na nag-aalok ng mga libreng virus test kit para makuha ang personal na impormasyon at impormasyon sa health insurance ng consumer. Isang nakakapinsalang bersyon ng scam na ito (sa English) ang pumupuntirya ng mga mas nanganganib na indibidwal na may diabetes, at nag-aalok ng libreng COVID-19 testing kit at libreng diabetic monitor. Mina-market ng iba pang robocall ang mga pekeng lunas at humihingi ng kabayaran para rito sa telepono.

Isa pang robocall na mensahe ang nagsasabing mula sa U.S. Department of Health (sa English), na nagbababala ng outbreak "sa iyong lugar.” Inirerekomenda ng mensahe na magpabakuna at iaalok nitong ikokonekta ka sa isang "health advisor."

Sinasamantala rin ng mga manloloko ang mga pag-aalala sa pinansyal na kaugnay ng pandemya. Alam ng FCC ang tungkol sa mga robocall scam na may tema ng mga pagkakataon para sa work from home dahil sa COVID-19, mga alok sa pag-consolidate ng utang, at plan sa pagbabayad ng student loan. (Para sa tunay na impormasyon tungkol sa pag-antala sa rate ng interes kaugnay ng coronavirus sa mga student loan, tingnan ang website ng FSA (sa English).)

Hindi lang mga consumer ang pinupuntirya. Nakakatanggap din ang maliliit na negosyo ng mga scam na tawag tungkol sa kaugnay sa virus na pagpopondo o mga pagpapautang (sa English) at pag-verify sa listing online (sa English).

Maraming consumer ang nakakatanggap ng mga tseke bilang bahagi ng tugon sa coronavirus ng pederal na pamahalaan. Walang tatawag o magte-text sa iyo para kumpirmahin ang iyong personal na impormasyon o mga detalye ng bank account para "mailabas" ang mga pondo. Inaasahan ng Treasury Department (sa English) na matatanggap ng karamihan ng mga tao ang kanilang mga kabayaran sa pamamagitan ng impormasyon para sa direktang pagdeposito na mayroon ang departmento mula sa mga nakaraang pagbabayad ng buwis.

Nito lang kamakailan, may ilang mga dati nang robocall scam ang nag-akma sa kanilang mga pitch at binanggit ang virus. Posibleng kasama na ngayon sa mga awtomatikong tawag para sa warranty ang babala tungkol sa pangangailangan ng seguridad at proteksyong pinansyal mula samechanical failure sa "mga panahong ito na walang kasiguradudhan."

Kung sa tingin mo ay naging biktima ka ng spam kaugnay ng coronavirus, makipag-ugnayan agad sa tagapagpatupad ng batas.

Inaalok ng FCC ang mga sumusunod na tip para matulungan kang maprotektahan ang iyong sarili laban sa mga scam, kabilang ang mga scam kaugnay ng coronavirus:

  • Huwag sagutin ang mga tawag o text mula sa mga hindi kilalang numero, o sinumang iba pang mukhang kahina-hinala.
  • Huwag kailanman ibahagi ang iyong personal na impormasyon o impormasyon sa pananalapi sa pamamagitan ng email, text message, o sa telepono.
  • Mag-ingat kung pinipilit kang agad na magbigay ng anumang impormasyon o magbayad.
  • Madalas na ginagawa ng mga scammer na mag-spoof ng mga numero ng telepono para linlangin ka sa pagsagot at pagtugon.  Tandaang hindi ka tatawagan kailanman ng mga ahensya ng pamahalaan para manghingi ng personal na impormasyon o pera.
  • Huwag i-click ang anumang mga link sa isang text message. Kung pinadalhan ka ng isang kaibigan ng isang text na may kahina-hinalang link na mukhang hindi galing sa kanya, tawagan sila para tiyaking hindi sila na-hack.
  • Palaging suriin ang isang charity (halimbawa, sa pamamagitan ng pagtawag o pagtingin sa mismong website nito) bago magbigay ng donasyon. (Matuto pa tungkol sa mga scam sa charity.)

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga scam na tawag at text, bisitahin ang Help Center para sa Consumer ng FCC (sa English) at Glossary ng Scam mula sa FCC (sa English). Puwede ka ring maghain ng reklamo tungkol sa mga naturang scam sa fcc.gov/complaints (sa English).

Nag-post din ang Federal Trade Commission (sa English) at ang U.S. Food & Drug Administration (sa English) ng mga babala sa consumer tungkol sa mga pekeng website at phishing email na ginamit para mag-promote ng mga pekeng produktong kaugnay ng COVID-19.

Updated:
Tuesday, July 21, 2020