Mga Tip at Resource ng FCC para sa Consumer

Matuto pa tungkol sa mga robocall at text scam at kung paano iulat ang mga iyon.

Higit pang Impormasyon

  

Sample na UPS Scam Text


  Text Message
  Ngayong araw 9:34 AM
 
  Kumusta, nagkakaroon kami ng mga isyu sa pag-release sa iyong package
 
  Paki-update ang mga direksyon para sa shipping
  ca.trcck.com/.1ebf9d
  Mag-reply nang Stop para Mag-opt Out
 
 
 
 

Binabago ng COVID-19 pandemic ang paraan kung paano namimili ang maraming Americans, at dahil dito ay naging mahigit 31 porsiyentong mas laganap ang online na pamimili sa U.S. sa ikalawang quarter kumpara sa una, ayon sa mga quarterly E-Commerce report ng Census Bureau (sa English). Gayundin, tumaas nang mahigit 36 na porsiyento ang mga tantya sa online retail sales ng ikatlong quarter ng 2020 kumpara sa 2019. Dahil sa mas laganap na pamimili online, nagiging mas marami din ang delivery ng mga package para sa mga consumer.

Dahil napapalapit na ang holiday season, nakakatanggap ang FCC ng mga reklamo tungkol sa muling pagdami ng mga scam na tawag at text na nagkukunwaring notification ng delivery, patunay na muling sinusubaybayan ng mga manloloko ang mga trend at inaakma nila ang kanilang mga scam para nakawin ang iyong pera at impormasyon.

Maraming delivery scam ang nagsisimula sa isang text message o email tungkol sa pagde-deliver ng package sa iyong address, ayon sa Better Business Bureau (sa English). Ang mga mensaheng ito ay karaniwang may kasamang "tracking link" at inuudyok kang i-click ito upang i-update ang iyong mga kagustuhan sa delivery o pagbabayad. Maaari ka ring makakuha ng voicemail message na may call-back number, o isang tag na "missed delivery" sa iyong pintuan na may numerong matatawagan.

Bagama't karaniwang mukha o tila lehitimo ang mga mensaheng ito, hindi ka dapat kailanman mag-click sa isang link o tumawag sa numerong mula sa isang hindi inaasahang pag-abiso tungkol sa delivery. Makipag-ugnayan sa delivery service o seller nang direkta gamit ang isang kumpirmadong numero o website.

Sa ilang kaso, maaaring buksan ng link ang isang website na nagpo-prompt sa iyong maglagay ng personal na impormasyon, o puwede itong mag-install ng malware sa iyong telepono o computer na puwedeng lihim na magnakaw ng personal na impormasyon. Ang numerong tinatawagan mo ay puwedeng sagutin ng isang scam "operator" na humihiling na i-verify ang impormasyon ng account o credit card number na ginamit mo para sa pamimili. Maaari ding sabihin ng iba pang mga scam na tawag at text na kailangan mong magbayad ng customs fee o buwis bago maisagawa ang delivery.

May iba pang scam kung saan mapapagastos ka dahil lang sa simpleng pagtawag sa numerong iyon. Ang pekeng paunawa sa delivery ay magkakaroon ng kasamang call back number na may 809 area code, o iba pang 10 digit na international number. Ang pagtawag ay maaaring magresulta sa matataas na connection fee at mahal na bayad kada minuto. (Tingnan din ang Gabay sa Consumer ng FCC na: One Ring Phone Scam)

Para matulungan ang mga consumer na maiwasan ang mga scam na ito, ang ibang mga ahensya ng pamahalaan tulad ng FTC ay humihikayat sa mga consumer (sa English) na nakakatanggap ng mga kahina-hinalang email, text o mensahe sa telepono na direktang pumunta sa website ng kanilang delivery carrier o gamitin ang mga tracking tool ng retailer.

Bilang karagdagan, ang U.S. Postal Service ay nag-post ng alerto (sa English) tungkol sa mga pekeng text tungkol sa delivery. Nagbabanggit ang alerto ng "mga hindi inaasahang mobile text message na nagsasaad na hinihintay ng delivery ng USPS ang iyong aksyon" at may kasama itong web link na iki-click na hindi naman mula sa postal service. Ang alerto ng USPS ay may kasamang video na nagtatampok sa U.S. Postal Inspector (sa English) na nagbibigay ng mga karagdagang babala tungkol sa kapahamakang maaaring mangyari kung iki-click mo ang link.

Ang mga national delivery company ay nagbibigay rin ng impormasyon sa kanilang mga website para tulungan ang mga consumer na maiwasan ang pagiging bikitma ng package delivery scam. Sinasabi ng FedEx at UPS na hindi sila humihingi ng personal na impormasyon o impormasyon tungkol sa pagbabayad sa pamamagitan ng mga hindi inaasahang text at email.

Sa website nito, nagbabanggit ang FedEx ng mga karaniwang senyales ng mga mail, text o online scam (sa English):

  • Mga hindi inaasahang paghiling ng pera kapalit ng delivery ng isang package, karaniwan ay pinagmamabilis ka pa nito.
  • Paghiling ng personal at/o pinansyal na impormasyon.
  • Mga link sa mga website address na may maling spelling o binago ito nang kaunti, gaya ng "fedx.com" o "fed-ex.com."
  • Mga pagkakamali sa spelling at grammar o sobrang paggamit ng malalaking titik at mga tandang padamdam.
  • Mga error sa certificate o kawalan ng mga online security protocol para sa mga sensitibong aktibidad.

Nagbababala din ang FedEx na "Kung nakatanggap ka ng alinman sa mga ito o mga katulad na mensahe, huwag sumagot o makipag-ugnayan sa sender."

Nagbibigay ng UPS ng mga halimbawa ng ganitong mga uri ng mga mapanlokong mensahe (sa English) sa webpage nito para sa mga alerto tungkol sa panloloko (sa English).

Tandaan na ang mga scam ng mga impostor ay madalas na ilegal na nagsu-spoof ng mga numero ng telepono na ginagamit sa mga tawag at text para isipin mo na ang numero ay mula sa isang lehitimong kumpanya o kahit pa ahensya ng pamahalaan.

Kung makakatanggap ka ng impormasyon tungkol sa hindi inaasahang package delivery, mag-ingat ka. Sundin ang mga tip sa itaas para manapatiling secure ang iyong impormasyon at pera.

Updated:
Friday, November 20, 2020