Kalinisan ng
Telepono
Ang iyong mobile phone ang posibleng bagay na pinakamadalas mong hawakan sa buong araw. Gamitin ang mga simpleng tip na ito para panatilihing malinis ang iyong device.
Pag-optimize sa Home Network
Dahil ang pagtatrabaho at pag-aaral sa bahay ay ang new normal para sa milyun-milyong Amerikano, alamin kung paano i-optimize ang iyong home network sa panahon ng pandemya.
Sample na Text ng Scam
Balita tungkol sa IRS COVID-19:
I-click ang xxx.xxx/IRS-COVID-19 para irehistro/i-update ang iyong impormasyon para matanggap ang bayad para sa epekto anuman ang iyong status.
Audio ng Scam sa Telepono para sa Test Kit
Transcript ng audio: ...[Dahil sa Coronavirus] Response Act, agad na naging mas accessible ang testing para sa coronavirus. Kung gusto mong makatanggap ng libreng testing kit na maide-deliver kaagad kinabukasan sa iyong bahay, pindutin ang 1. Kung hindi mo gusto ng libreng testing, pindutin ang 2. (Pinagmulan ng audio: YouMail)
Dahil patuloy na naaapektuhan ng pandemya ng COVID-19 ang Estados Unidos, napag-alaman ng FCC ang mga campaign ng scam na text message at mga robocall na nananamantala sa mga takot kaugnay ng virus.
- Ang mga scam sa text kaugnay ng COVID-19 ay posibleng maling mag-advertise ng lunas o mag-alok ng mga pekeng test. Matuto pa at tingnan ang mga halimbawa ng mga scam na text.
- Tumuon ang mga robocall scam sa mga alalahaning pangkalusugan at pampinansyal na konektado sa COVID-19. Matuto pa at makinig sa mga aktwal na audio ng scam.
- Pinupuntirya ng scammer ng coronavirus ng mga mas nakatatandang Amerikano. Makakuha ng impormasyong ibabahagi sa mga senior at sa kanilang mga pamilya.
Mga Tip para sa Pag-iwas sa Mga Scam na Kaugnay ng COVID-19
- Huwag sagutin ang mga tawag o text mula sa mga hindi kilalang numero, o sinumang iba pang mukhang kahina-hinala.
- Huwag kailanman ibahagi ang iyong personal na impormasyon o impormasyon sa pananalapi sa pamamagitan ng email, text message, o sa telepono.
- Mag-ingat kung pinipilit kang agad na magbigay ng anumang impormasyon o magbayad.
- Madalas na ginagawa ng mga scammer na mag-spoof ng mga numero ng telepono para linlangin ka sa pagsagot at pagtugon. Tandaang hindi ka tatawagan kailanman ng mga ahensya ng pamahalaan para manghingi ng personal na impormasyon o pera.
- Huwag i-click ang anumang mga link sa isang text message. Kung pinadalhan ka ng isang kaibigan ng isang text na may kahina-hinalang link na mukhang hindi galing sa kanya, tawagan sila para tiyaking hindi sila na-hack.
- Palaging suriin ang isang charity (halimbawa, sa pamamagitan ng pagtawag o pagtingin sa mismong website nito) bago magbigay ng donasyon. (Matuto pa tungkol sa mga scam sa charity.)
Kung sa tingin mo ay naging biktima ka ng spam kaugnay ng coronavirus, makipag-ugnayan agad sa tagapagpatupad ng batas.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga scam na tawag at text, bisitahin ang Help Center para sa Consumer ng FCC (sa English) at Glossary ng Scam mula sa FCC (sa English). Puwede ka ring maghain ng reklamo tungkol sa mga naturang scam sa fcc.gov/complaints (sa English).